ANGELICA’S POV
Ang daming nangyari sa these past few days... di ko nga alam kung paano ko nakaya... shocking lang! Una yung pagalis ng bestfriend ko... pangalawa... hahaha, yung pagalis ni Kent... pangatlo xD wala na hindi ko na talaga alam, yun lang naman alam kong nagpalungkot sa akin eh... Pero after a week, tinawagan din naman ako ni Kent, sabi niya ok lang daw siya duon at nagsimula na siyang pumasok, napagdesisyunan niya daw na kausapin ako kasi baka daw mamatay ako sa pagaalala sa kanya... lakas ng apog di ba :) Pero totoo naman yun kasi siya pa rin ang bestfriend ko, kapatid pa rin ang turing ko sa kanya... nakakalungkot lang kasi kapag nagugutom ako o kaya gusto ko ng may kulitin wala na siya... hindi ko na siya kapitbahay na lang. Nagtaka nga ako kung bakit ko yun naging kapitbaha... sa yaman nila? Sa village lang namin siya nakatira di ba? Hahaha... ngayon ko lang yun narealize.
Hay naku, am’boring ng araw ko ngayon... wala naman andito lang kami sa prof at nakikinig sa paulit-ulit niyang tinuturo na kala mo parang sirang plaka... tae lang! kulang na lang talaga ako magturo sa harap... hindi naman sa pagbubuhat ng bangko ... pero nagbubuhat na talaga ako ng bangko xD hahaha, am’bobo lang talaga -_- sama kong bata... nagulat na lang ako ng may nagpasa ng papel sa akin...
Kate is online...
Kate: Hey... spacing out?
So kailangan talaga may Kate is online... anong peg nito? Chatbox lang ? kaya go with the flow lang ako...
Angelicanamagandaalammoyanwagkangumangal is online...
Angelica...: Tagal magturo ni gurang, tulo na laway yung iba ooh.
Kate: halata mo din? Kaloka lang kasi si gurang... hindi ata alam ang salitang TIGIL noh?
Angelica: Batuhan mo na nga ng pla-pla nang matigil na...
Kate: Goodbye Philippines na lang xD Ayy teh, kamusta na nga pala kayo ni Red mo?
Angelica: Ayun... Green na >//<
Kate: Ayyy... joke yun? Ano nga kasi...
Angelica: I dunno’ ... he’s acting weir lately... nah’ lemme rephrase that... he’s acting cool... >//< lol. Hindi ko alam kung sweet ba na maitatawag yung mga gingawa niya, nakikita mo naman di ba pag nasa VIP tayo? Ang hirap tuloy hindi mafall...
Kate: Oo nga... naapansin ko yun, pasweet siya baka naman may gusto sayo, nung una pinagtanggol ka niya kay Ash kahit bff niya yun and then ngayon, sobrang concern siya sayo... daig pa si Kent.
Angelica: IKR! Enebenemenyen...pekelegnemen oh! What to do? Catch me I’m fallin na ba ?
Kate: Nasapian ka ba? Bakit ganyan ka ngayon parang hindi ikaw? Ganyan ba nadudulot ng pagibig sayo... masaklap pala.
Angelica: KATERINE! I think I’m inlove... anong gagawin ko? Mapansin kaya niya ako?
Kate: I have an idea... what if magpaganda ka kaya ng mapansin ka naman niya nooh...?
BINABASA MO ANG
EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)
FanfictionMy 2nd story ... Sana po magustuhan niyo xD Pavote po and Be a Fan na rin kung gusto niyo po :) Salamat ng marami.