Chapter 30

910 30 0
                                    

ANGELICA’S POV

          December 31... eto ang pinakaayaw kong date sa taong ito. Nandito na sa Pinas ang mga magulang ni Ash at yung ate niya. Mamayang New Year’s eve, pupunta kami dun. Magkakareunion kasi ang mga magbebestfriend... ang mga parents namin nila Ash at Kiel. Magbebestfriend kasi sila and every New year, sama-sama silang nagsecelebrate. At ayoko munang makita si Ash pero nagkikita naman kami kasi madalas andito siya sa mansyon pero hindi ko siya pinapansin, hindi na kami katulad ng dati, naiilang na ako sa kanya... hindi ko din alam kung bakit pero ganun na din naman siya sa akin.

“Mommy, pwede bang hindi na lang ako pumunta mamaya...”

“Bakit naman, princess?”

“I feel sick...”

“Really... kailangan ba ng doctor.”

“No, mommy... I just need some rest.”

Tapos nagkunwari akong inuubo... echos lang! Ayoko talaga pumunta dun dahil magiging awkward yun.

“Sige, magstay ka na lang dito, uuwi na lang kami agad mamaya huh.”

YESSSSSSSSSSSS! WOOOOH! Hindi ko siya makkita... pero mag-isa lang ako dito sa mansyon T_T waaaah. May foods naman kaya ok lang >.<

So ayun nga, pumunta na sila mommy dun sa mansyon nila Ash, si kuya nga gusto pa mgpaiwan para daw bantayan ako, sabi ko wag na... napilit ko naman kaya ayun. 11:15 na... ilang minuto na lang New Year na... kaya lumabas na lang ako, tapos nagsindi ako ng kung ano-ano, yung tipong hindi sumsabog ahh.  Pero nagulat na lang ako nung may dumating...

“Akala ko ba may sakit ka...”

O_O

Oh my gosh!

Ang taong iniiwasan ko.... bakit andito...Ash

“Ahh... ehh. Pake alam mo ba.”

“Magpapalusot ka na nga lang, magpapahuli ka pa.”

“Sinong nagsabing nagpapalusot ako huh?”

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya, kainis naman to. Asjddfhihfiebfibiu!

“iniiwasan mo ba ako.”

“Huh... sino may...”

Humarap naman ako sa kanya pero dapat pala hindi na ako humarap sa kanya, hindi ko alam na masyado na pala kaming malapit sa isa’t isa... pati mukha namin magkalapit na.. kaya umatras ako at tumingin sa ibang direksyon.

“b-bakit naman... kita iiwasan.”

“Malas mo lang dahil ako ang pinapunta nila dito para bantayan ka.”

“Psh. (--) umuwi ka na nga.”

“Ayoko, halika na papasok na tayo... baka mamaya maputukan ka pa diyan ako pa sisihin.”

Kaya hinatak nanaman niya ako ... ang hilig talaga manghatak nitong baklang to. Nakakainis na!

“Matutulog na ako (--)”

“Hindi.”

“Inaantok na ako.”

“Hindi.”

“Ano ba naman yan ASH!”

Bigla siyang lumapit sa akin at pati mukha niya sobrang lapit na sa akin na naduduling na ako sa sobrang lapit.

“bakit kinakabahan ka ba masyado dahil andito ako... oh! Tayo nga lang pala dalawa ang andito.”

“A-Ash... tumigil ka sa mga ganyan mo. Hindi nakakatuwa.”

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon