chapter 41
gavin's pov
awang awa ako kay lawrence habang tinitignan ko siyang nililinis ung sasakyan nung tatay niya,, hinde ko maintindihan kung bakit nanging ganun kasama sa kanya ung tatay niya samantalang ang huling alam ko, gusto silang kunin nun kay tito para matapos na ung pag hihirap nila ng mama niya
sabagay ano nga ba pakielam ko sa kanya? oo mahal ko pa siya pero sa ginawa niyang paiwan sakin ng paulit ulit parang sinabi na niya sakin na wala ako sa buhay niya, na wala siyang pakielam sa mararamdaman ko pag wala na siya, alam ko nman na alam niya na hinde ko kayang mawala siya sa buhay ko pero nagawa pa din niya akong iwan ng walang dahilan.
kung ako na nman ang lalapit sa kanya at tatalikuran ko si paul, para ko na din pinatay si paul at alam ko kung gano un kasakit kaya hinde ko un gagawin sa taong nasatabi ko lagi pag iniiwan ako ng taong mahal na mahal ko
"sayang" mahina kong sabi sabay talikod,, palayo kay lawrence, masaya na ako at eto na lang ung panghahawakan ko, alam kong may pagkamakasarili ung sinasabi ko ngayon, kasi sa nakikita ko alam ko na mas mahirap ung dinadaanan ni lawrence kaysa sa mga pinag daanan ko nung nawala siya.
ako nun kinaya ko kasi andun si mama at papa kasama ko pa palagi si paul, kaya kahit namamatay ako araw araw sa pangungulila ko kay lawrence kinakaya ko dahil sa napupunuan nila lahat ng pangungulila ko kay lawrence
samantalang silawrence ngayon, kahit hinde ko nman alam ung totoo na ngyayari o ngyari sa kanya alam ko na hinde maganda ung lagay niya, kung mahal pa ba niya ako kagaya ng pag mamahal ko sa kanya? ayun ang hinde ko alam, at wala na din akong planong malaman un
"san ka ba galing bata ka, kanina ka pa kami nga aalala sayo ng papa mo" isang mahigpit na akap ung natangap ko kay mama pag pasok ko sa bahay, oo magaling na siya pero hinde pa din kagaya ng dati, umiinum pa din siya ng gamot pang pakalma dahil may mga oras na bumabalik sa kanya ung nakaraan
"ma naman nag paalam po ako, wag ka na po umiyak" pinunasan ko ung luha na tumutulo sa mata ni mama at tumingin ako kay papa,
"sabi nman sayo amanda babalik si gavin" sabi ni papa kay mama sabay akap
masaya ako! masaya ako! masaya ako!!! ayan ung laging sinasaksak ko sa utak ko kada makikita ko ung mga magulang ko, masaya nman talaga ako na nakikita ko silang masaya, masaya ako dahil maayos na ulit ung buhay namin, kung baga bumalik na ulit sa normal, normal nga ba? ang alam ko kasing normal ako at si lawrence.. malungkot pero tangap ko na.. na eto na ang normal na buhay ko, wala si lawrence
"alam kong hindi ka masaya anak" napatingin ako kay papa nung bigla siyang tumabi sakin, andito kasi ako sa harap ng bahay namin at nag kakape, di kasi ako makatulog para kasing away umalis sa utak ko ung nakita ko kanina
"masaya po ako papa, kasama ko kayo ni mama at soon mag papakasal na ako kaya masaya po ako" pilit kong iniwas ung tingin ko kay papa, dahil sa loob ng isang taon na tinatago ko ung totoong nararamdaman ko, ayoko na sa ganito lang nila makikita na halos namatay ako nung nawala si lawrence sakin, ayoko din nman kasing isipin nila na sila ung dahilan kung bakit ako malungkot
BINABASA MO ANG
DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)
Short Storyno soft copies ^__^ sorry po :)