chapter 24
paul's pov
napabalikwas ako sa higaan nung my narinig akong malakas na kabog sa pintuan ko, sinilip ko ung orasan 7am tssss maaga pa eh, late na din kasi ako natulog, lalo na kami ung nag champion sa singing contest kaya nag celebrate muna kami.
"paul gumising ka na asa baba ung mga magulang ni gavin" bigla akong napatayo nung narinig ko ung sinabi ni mama sakin, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kasi hindi nman pupunta ung mga magulang ni gavin dito kung walang problema
nag hilamos agad ako at nag suot ng tshirt, pag baba ko nakita ko ung mama ni gavin na namamaga ung mata, ung papa nman niya halata mong galit na galit, kaya mas lalo akong kinabahan, eto na ba ung sinasabi ni gavin sakin kagabi na bago ko siya ihatid sa kanila na sana mapatawad ko siya? kaya pala ganun ang akap niya sakin dahil ayun na ung huli? sana mali sana mali ung iniisip ko
"paul, wala si gavin sa bahay, pati mga damit niya wala na din" para akong binuhusan ng malamig na tubig nung nagsalita si tito glen, kinumpirma niya lahat ng hinala ko, sumama na si gavin kay lawrence, sa taong mahal niya, kahit nman wala pa silang sinasabi sakin na sumama si gavin kay lawrence, matagal ko na un nararamdaman na mangyayari, at ngayon eto na parang bombang sumabog sa muka ko
"hahanapin ko po siya tito" sabi ko sabay hablot ng susi ng sasakyan ko sa ibabaw ng drawer, kailangan maabutan ko siya, kailngan kahit si princess makausap ko, hindi ako makakapayag na iwan ako ni gavin, hindi un pwede, kasi baka ikamatay ko un
pagdating ko sa ospital kung asan si princess, para akong natutunaw na kandila dahil madaling araw daw nung lumabas si princess, tinatawagan ko ung cellphone ni gavin pero ring lang ng ring, kung ilang msg na nasend ko sa kanya, ayun ang hindi ko na mabilang, ganun din ung no. ni princess
"danicaaaaaaaaaaaaaaaaa" sigaw ko yan pag baba ko ng sasakyan, si danica na lang kasi ung huling pag asa ko para malaman ko kung nasaan si gavin
"paul ang ag....."
"putang ina danica,, sabihin mo sakin kung nasaan si gavin!!! parang awa mo na sabihin mo na" napaluhod na lang ako at umiyak sa harapan ni danica, hindi ko na kaya ung sakit, hindi ko nakayang itago, wala na akong pakielam kung anong sasabihin ng tao sakin ngayon, bsta ang alam ko lang ang sakit na sobra
"paul, wala akong alam" sabi ni danica habang nakaakap sakin, kung akap sana ni gavin to malamang kahit gano pa kasakit ung nararamdaman ko makakayanan ko
"pls pls dan, mahal na mahal ko si gavin, alam mo un, hindi pa ako handang pakawalan siya"
amanda's pov (gavin's mom)
BINABASA MO ANG
DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)
Short Storyno soft copies ^__^ sorry po :)