sa kanya....chapter 28

33.5K 346 130
                                    

PLEASE PO DO VOTE AND COMMENT,, BE A FAN NA DIN PO SANA ^__^

SA LAHAT PO NG NAG PPM SAKIN SA FB SA INBOX KO DITO SA WATTY NA SILENT READERS LANG SILA SALAMAT PA DIN PO ATLEAST ALAM KO PA DIN NA NAGAGANDAHAN KAYO SA GAWA KO, NAKAKATABA KASI NG PUSO ^_6 

SA LAHAT PO NG HUMIHINGI NG SOFT COPIES WALA PO SORRY!

chapter 28

hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob pero papunta ako sa opisina ng papa ni lawrence, kung kinakailngan mag makaawa ako para samin ni lawrence, gagawin ko kung para sa kapatawaran ng kasalanan ni papa gagawin ko din un, maayos lang lahat ng problema na alam ko nman na walang kinalaman samin ni lawrence

"saan po ung office ni mr. perez?" tanong ko sa isang lalaki na nakasalubong ko, natatandaan ko nman tong opisina na to dahil lagi kami dito ni papa dati, kaya pala parang pamilyar sakin ung papa ni lawrence dahil boss pala siya ni papa, masyado lang ata akong bata nun kaya hindi ko ganong natandaan ung itchura niya

"ayun o"

pagtapos kong mag pasalamat sa lalaki, hinakbang ko na ung paa ko papunta sa opisina, habang papalapit ako sa pintuan, ung puso ko pabilis ng pabilis ung tibok, kinakabahan kasi ako, hindi ko alam kung sa pag labas ko ba ng pintuan na yan magiging maayos na ba lahat, pwde na ba kaming sumaya ni lawrence

'bahala na si batman' sabi ko sa sarili ko, tapos pinihit ko na ung doorknob, pag pasok ko sa loob nakita ko agad ung malaking frame ng family picture nila lawrence, napangiti pa nga ako kasi ung itchura ni lawrence dun sa picture ayun ung itchura nung una ko siyang nakita nung grade 2 kami

"anong ginagawa mo dito?! sino nag papasok sayo?!" parang merong sariling buhay ung mga tuhod ko nung narinig ko ung boses ng papa ni lawrence mula sa likuran ko, napaluhod na lang ako bigla kahit alam ko nman sa sarili ko na hindi ko to dapat gawin, kahit malamig ung buong kwarto nag simula na akong pawisan

"sir nag mamakaawa po ako sa inyo, hayaan niyo na po kami ni lawrence" pinipigilan ko ung mga luha ko na wag tumulo kahit alam kong malapit na akong maiyak, hindi ko kasi lubos maisip na kailngan ko tong gawin, para akong bata na nagmamakaawa para payagan lang akong maglaro

"bakit? wala na ba kayong makain ng pamilya mo at kailngan mo ng mayaman na lalaki?" napatayo ako bigla, hindi ko akalain na isang edukadong tao mag sasalita ng ganito, at isa pa bata lang ako kung ikukumpara sa knya, pero napakasakit na niya agad mag salita, hindi pa nga niya ako kilala hinusgahan na niya agad ung pagkatao ko, at higit sa lahat alam ko na mabait siyang tao kagaya ng anak niya

"inyo na ung kayamanan niyo, pero sir nag mamakaawa po ako, hayaan niyo na po kami nag mamahalan po kami ni lawrence" hinayaan ko na lang tumulo ung luha ko sa mga mata ko, ilang beses na din pumasok sa utak ko na umalis na lang, pero kada titingin ako sa picture ni lawrence parang merong bahagi sa puso ko ang nag sasabi sakin na lumaban ako at magpakatatag

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon