pls vote and comment be a fan na din po para sa epilogue :) at paki basa po ung authors note para di po kayo malito :)
chapter 45
gavin's pov
"o paul anong ginagawa mo dito??? bawal tayo mag kita ano ka ba nman bukas na ung kasal natin e" gulat na gulat kong sabi kay paul, papunta kasi akong tindahan ngayon at pag bukas ko ng gate si paul agad ung nakita ko, sabi kasi samin ni papa na kailngan daw isang linggo kami wag mag kita ni paul bago ang kasal, pamahiin daw un pero sa totoo lang hinde nman ako naniniwala jan sa mga pamahiin na yan, wala na nman sigurong magiging problema ung kasal namin ni paul
"tara" kahit hinde ako handa nag pahatak na lang ako kay paul kung saan niya ako dadalin, ung mga mata kasi niya parang napaka importante nung pupunthan namin, tska hinde pa nman late kaya okey lang siguro na sumama ako kay paul, kakasal na din nman kami bukas kaya wala na din nman sigurong dahilan para di matuloy ung kasal
habang asa byahe kami ni paul parehas lang kaming tahimik kaya nakakapanibago, kadalasan kasi pag ganito maingay si paul, salita ng salita ng kahit ano, madalas nag jojoke pa siya, pero ngayon kakaibang paul ang kasama ko, kinakabahan kaya siya sa kasal namin bukas? kung tutuloy pa ba nmin? kasi ako sigurado na ako na kahit anong magyari tutuloy ko na to, masaya na ako at masaya ung pamilya ko kaya alam ko balang araw dadating din ung panahon na makakalimutan ko kung gaano ko kamahal si lawrence
"naalala mo to gab?" hinde ko alam kung anong nayari sakin pero biglang nag tayuan lahat ng balahibo ko sa braso ko nung dinala niya ako sa dati naming school, iba na siya naun pero naalala ko pa din na dito ako nun umiyak dahil di ako pinansin ni lawrence at dito ko unang nakilala si paul
"oo nman dito ako umiyak nun at dito kita nakilala" alam kong kagaya ni lawrence binabalikan namin ni paul ngayon lahat ng dinaanan namin simula pag kabata namin pero bakit ganun talgang kakabit ng utak at puso ko si lawrence kahit na anong iwas ko naalala ko pa din siya
"hahahaha ang pangit mo nun kaya, pero alam mo dun ko nalaman ung salitang crush, nung nakita kita nuon" kitang kita ko sa mata ni paul ung sobrang pag mamahal niya sakin, sabagay lagi ko nman un nakikita pero nagyon alam ko na un na lang makikita ko at wala ng iba
"o san naman tayo?" tanong ko kay paul, pero imbis na sagutin niya ako patuloy lang siya sa pag hatak sakin
"bakit dito..."
"alam mo nung nakita kita nun na tumatakbo palabas kasi nag sasalita si lawrence, gusto kita nun pigilan, gusto ko nun sabihin sayo na sana ako na lang, kasi sobra kitang mahal" kahit parang bumalik sakin lahat nung alaala dito sa auditorium, pinilit ko pa din ngumiti, bakit ko nga ba aalalahanin pa si lawrence kung pinapalitan na naun ni paul lahat ng memory na meron ako kay lawrence
"di mo nman kailngan palitan lahat ng memory ni lawrence sakin paul, matagal ko ng kinakalimutan un, kung nagawa ko na kalimutan siya nuon magagawa ko ulit un ngayon, magiging mrs barican na ako kaya gusto ko mag simula na lang tayo" pinigilan ko na wag umiyak sa harap ni paul, lalo na alam ko na kahit para sa kanya tong ginagawa namin msakit to para sa kanya, kung ano meron memory sakin ni lawrence gusto ko hanggang dun na lang un, at kung gagawa ako ng bagong memory kay paul na un
BINABASA MO ANG
DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)
Short Storyno soft copies ^__^ sorry po :)