𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 ᵖᵃʳᵗ 1

117 6 0
                                    

ᴀ sʜᴏʀᴛ sᴛᴏʀʏ
ᴛɪᴛʟᴇ: 𝓐𝓷𝓰 𝓛𝓪𝓵𝓪𝓴𝓲 𝓢𝓪𝓵𝓪𝓶𝓲𝓷
(Tagalog story)
(Fiction)
Written by: Lira Luna
©️All Rights Reserved 2020

𝗣𝗔𝗥𝗧 1

"Nakooooooo Amalia, nakaharap ka nanaman diyan sa salamin? Kahit anong gawin mo walang magbabago diyan sa mukha mo."

Sigaw ni Aling Sita sa Anak na si Amalia, wala na kasing ibang ginawa ito kundi manalamin. Feeling kasi niya ang ganda-ganda niya sa salamin na pamana ng lola niya sa kanya, isa itong antigong salamin na isinalin-salin ng pamana sa lahi nila at siya ang pinakabatang apo ng pamilya.

"Mama naman, maganda naman ako ei."

Atungal naman ni Amalia sa kanyang ina, nakabusangot pa ito na ikinailing naman ng kanyang ina.

"Maganda ka nga, eh tamad ka naman."

Napasimangot na lang si Amalia sa sinabi ng ina, naabutan sila ni Mang Armando sa ganoon na sitwasyon.

"Ano nanaman ba ang pinag-aawayan n'yong mag-ina?"

Tanong ni Mang Armando sa kanyang mag-ina na kanina pa nagtatalo. Napailing na lang si Aling Sita sa tanong ng asawa.

"Ay nako, tanong mo diyan sa anak mo, parang gusto na atang diyan na lamang sa salamin tumira."

Napailing na lamang si Mang Armando at natatawa.

"Anak huwag ka masyadong manatili diyan sa salamin, baka mamaya may makita ka diyang kakaiba... Sege ka ikaw din."

"Pa, naman nananakot."

Natawa na lamang si Mang Armando sa atungal ng anak. Apat ang anak ni Mang Armando at si Amalia ang bunso, kilala ang pamilya nila sa kanilang Nayon bilang isa sa may mga kayang pamilya.

"Alam mo Amalia, ang totoong magandang dalaga ay 'yong may alam sa gawaing bahay."

Sabat naman ni Katrine, 'di na lamang pinansin ni Amalia ang ate niya at nagpatuloy sa pagsusuklay ng kanyang buhok sa harap ng salamin. Si Katrine ang sinundan ni Amalia at dalawang lalaki naman ang nauna sa kanila.

"Nako, ikaw Amalia, kakasalamin mo diyan baka makita mo 'yong lalaki na nagpapakita kay Lola... Sege ka."

Panunukso naman sa kanya ng kapatid na si Rocco, napalingon naman sa kaniya si Amalia na nakabusangot.

"Koooohh hindi totoo iyon, panakot lamang ng Lola iyon." Pagtutol niya sa sinabi ng kapatid na sinabayan pa niya ito nang pagkumpas ng kamay.

"Ah, Ikaw din, Bahala ka."

Segunda naman ng kanyang kuya Andres, nainis si Amalia sa kanyang mga kapatid kaya pumasok siya sa kanyang k'warto at nagkulong, natatawa lamang ang mga kapatid niya.

"Nakakainis talaga ang mga kuya ko na 'yon."

Pagmamaktol niya saka humarap sa salamin at nagsuklay ng buhok niya habang nagsasalitang mag-isa.

"Tinatakot pa ako."

"Bakit tila malungkot ka?"

Nagulat si Amalia sa narinig kaya napalingon siya sa likod ngunit walang tao, nang humarap siya sa salamin may nakita siyang binata.

Lumingon siya ulit sa likod pero wala namang tao roon. Nang humarap siya ulit ando'n pa rin ang lalaki, napangiti ito sa kanya, kaya nang aktong sisigaw siya ay pinigil siya ng lalaki.

"Pakiusap huwag kang matakot"

Napigil ang sigaw ni Amalia.

"Sino ka? At ba't nariyan ka sa loob ng salamin?"

𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾 𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon