𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 ᵖᵃʳᵗ 3

45 6 0
                                    

𝓐𝓷𝓰 𝓛𝓪𝓵𝓪𝓴𝓲 𝓢𝓪𝓵𝓪𝓶𝓲𝓷
ᵖᵃʳᵗ 3
LIRA LUNA        

"Si Tristan"

Wika ni Loraine, napatayo ang kanyang Tita Amalia sa gulat, 'paanong nangyari iyon samantalang nabasag na ang salamin?' tanong ni Amalia sa kanyang isipan.

"Paano mo nasabi iyon Loraine? Samantalang binasag mo na ang salamin no'ng ikaw ay pitong taong gulang pa lamang?"

Naguguluhang tanong ni Amalia kay Loraine na ngayon ay dalawampu't siyam na taong gulang na. Kahit siya man ay hindi niya alam, pero ang presensyang kanyang naramdaman ay presensya ng lalaki na nasa salamin...si Tristan.

"Sino po ba ang Tristan na 'yon mama? At bakit tila takot na takot ang---" Pagputol niya sa sinabi, saka napatingin kay Loraine. "Ang Ate Loraine?" dugtong niya.

Napatingin sila kay Christian, inosente itong nagtatanong, hindi nila pinaalam kay Christian kung sino ang Tristan na kanilang tinutukoy, kapag nagbabagong anyo siya at tinatanong kung saan niya nakuha ang gano'ng sitwasyon, ang pagsisinungaling ni Amalia ay… sumpa…

Sumpa ng isang babaeng umiibig sa kanyang Ama noon, gano'n ang sinasabi niya kay Christian at sa tuwing nagtatanong ito kung nasa'n ang kanyang Ama, ang sagot lagi ni Amalia ay 'Kinuha ang Papa mo no'ng babaeng sumumpa sa atin.'  Hindi niya lang alam kung naniniwala ba si Christian.

"Anak, umakyat ka muna sa iyong silid, may pag-uusapan lamang kami ng iyong ate Loraine"

Napatingin muna si Christian kay Loraine sabay ngiti, pero hindi alam ni Loraine kung bakit kakaiba ang mga ngiting iyon ni Christian, iba ang dating sa kanya ng mga ngiti nito… nakakakilabot. Umakyat na si Christian, pero habang papaakyat siya ay nakatingin siya kay Loraine na may ngiti, ngiting nakakakilabot tignan.

"Loraine, hindi alam ni Christian ang tungkol sa kanyang Ama."

"Tita, andito lang si Tristan, nasa paligid, ramdam ko ang kanyang presensya."

Napabuntonghininga si Amalia sa kanyang narinig samantalang ang mag-asawang Armando at Sita ay nagyayakapan sa takot na maulit ang nangyari dalawampu't dalawang taon na ang nakalipas.

"Huwag mong ikatuwa ang kanyang pagbabalik, hindi maganda ang kanyang hatid, ang prinsepe ng salamin ay may dalang panganib, sa'yo o kay Christian."

"Ano ang ibig mong sabihin?" May pag-aalalang tanong ni Amalia kay Loraine, napabuntonghininga muna ang dalaga bago muling nagsalita.

"Maaaring kunin ni Tristan ang kanyang anak o papatayin ang magiging hadlang sa kanyang balak."

Napatayo si Amalia sa gulat, saka niyakap ang kanyang sarili, ramdam nila ang lamig nang simoy ng hangin sa lilim ng kahoy sa kalagitnaan ng tirik ng araw sa bakuran. Habang hinahampas-hampas ng hangin ang mga dahon ng puno, at sabay nang pagkalat ng tuyong dahon na winalis ni Aling Sita ay nararamdaman ni Loraine ang bigat ng prsensya ng hindi natin nakikita.

"Paano niyang papatayin si Christian? Samantalang anak niya 'yon?"

"Si Christian ay kalahating mortal at immortal at si Christian ang pangalawang anak sa tao ng kanilang lahi, Mapanganib ang banta ng mga kalahating imortal sa kanilang mundo."

Napatingin naman si Amalia kay Loraine, maging ang kanyang Lolo at Lola.

"Pangalawa kamo apo? Ang ibig mo bang sabihin ay may na una pa kay Christian na kalahating imortal dito sa mundo?" Tanong ng kanyang Lolo Armando, napatango na lamang si Loraine, napaisip si Amalia sa sinabi ng pamangkin. 'Kung gano'n hindi nag-iisa ang kanyang anak sa ganitong sitwasyon.' ani ng kanyang isip.

𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾 𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon