𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 ᵖᵃʳᵗ 2

54 5 0
                                    

𝓐𝓷𝓰 𝓛𝓪𝓵𝓪𝓴𝓲 𝓢𝓪𝓵𝓪𝓶𝓲𝓷
ᵖᵃʳᵗ 2-

𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐍 na ba ang nakalipas, simula nang mabasag ang salamin, ang salamin na nag dala ng sumpa na sinalin-salin sa boung angkan ng pamilya ng nag mamay-ari nito. Nasa'n na nga ba ang magpamilya? Ano na nga ba ang nangyari sa kanila? Ano ang nangyari sa pinagbubuntis ni Amalia.

"Christian!!! Pasok kana dito anak! Halika na at mag-aalas sais na!"

Sigaw ng isang babae na nasa apatnapu't taong gulang, napalingon naman ang binatang kanyang tinawag, napangiti ito sa kanya. Napangiti siya nang makita ang mukha ng anak, napakaamo ng mga mata nito, kulay abo ang kulay ng mga mata at kanyang buhok. Maputla ang kulay ng balat nito, mapupula at kulay rosas ang mga labi… Katulad ng kanyang ama…

Pero sabi nga nila, huwag ka magpapalinlang sa ganda at anyo ng isang mapagbalatkayo.

"Nariyan na Ma, malamang itatali n'yo nanaman ako."

Wika ng anak niyang dalawampu't dalawang taong gulang na. Nalungkot naman siya sa sinabi ng anak, pero wala siyang magagawa, masakit man pero kailangan niyang gawin 'yon, para sa kapakanan ng anak din niya iyon. No'ng limang taong gulang pa lamang si Christian ay muntik na nitong mapatay ang kanyang Lolo Armando, kaya tinatali nila ito bago mag-alas sais, dahil nagbabago ang kanyang anyo, tulad ng kanyang Ama na si Tristan. Walang nagawa ang binata at sumunod na lamang sa kanyang Ina, kaysa naman makasakit nanaman siya ng ibang tao, lalo na ang kanyang Lolo Armando, ayaw niyang masaktan ulit ito lalo na at matanda na ito. Pumasok na sila sa kanilang tahanan, nakasalubong niya ang kanyang Lolo at Lola.

"Apo, patawarin mo kami at ginagawa namin ito." Ani ng Lolo niya na kanya lamang ikinangiti, nauunawaan naman niya ang layunin ng mga ito, ang huwag siyang makapanakit.

"Wala po iyon Lolo, kaysa masaktan ko kayo ni Lola, alam n'yo naman po kung gaano ko kayo ka mahal."

Napatango ang kanyang Lolo at Lola. Nagtungo na sila sa k'wartong nagsisilbing kulungan ni Christian tuwing gabi, kung saan nagbabago ang kanyang anyo.

-----------

"Anak, dadating ang pamangkin mo ngayon na si Loraine."

Napatingin lamang si Amalia sa Ina, darating si Loraine ang kanyang pamangkin na may third eye. Si Loraine din ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin niya kung saan nawala ang koniksyon nila ni Tristan.

"Talaga po Lola? dadating ang Ate Loraine?"

Wikang tanong ni Christian, napatango naman ang Lola niya, habang si Amalia ay hindi na lamang umimik. Ano nga ba ang nangyari sa nakaraang dalampu't dalawang taon? Simula no'ng mabasag ang salamin?

---𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛 𝗕𝗔𝗖𝗞 22 𝗬𝗘𝗔𝗥𝗦 𝗔𝗚𝗢---

"Tristan! Mahal na mahal kita, pakiusap lumaban ka Tristan! sasama ako sa'yo!"

"Amalia, alagaan mo ang anak natin, mahal na mahal kita."

"Tingnan ko lang kung mamahalin mo pa siya kapag nakita mo ang kanyang tunay na anyo!" Tinutok ang kamay sa salamin. "Salamin, ipakita sa'kin ang tunay na anyo ng prinsepe ng salamin at ito ay kusa mong basagin!"

Nagliwanag ang salamin saka sumigaw si Tristan, unti-unting lumalantad ang mukha nitong subrang pangit na halimaw. Maging si Amalia ay nagulat din, hindi siya makapaniwala na ang gwapong lalaking minahal ay isang napakapangit na halimaw, sa gulat ay hinimatay si Amalia at nawasak ang salamin. Nang magising siya, wala na ang salamin, basag na ito, ni wala siyang makitang bubog na natira, nang makita niya ito ay halos mawala siya sa sarili.

"Nasaan na ang salamin! Nasaaan na!" Sigaw niya. "Ibalik n'yo sa akin si Tristan!’’
Halos pagwawala niya, niyakap siya ng kanyang mga magulang pero patuloy lang ang kanyang pagpupumiglas. Nakita niya ang naglalarong si Loraine, nagiging asal bata ulit ito, samantalang kanina lang ay tila matanda ang ikinikilos nito, lumapit siya sa bata at hinawakan niya ito sa braso.

𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾 𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon