𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡ᵖᵃʳᵗ 8

33 4 0
                                    

ᴀ sʜᴏʀᴛ sᴛᴏʀʏ
ᴛɪᴛʟᴇ: 𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾 𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃
GENRE:Horror/Fiction
SUB-GENRE: Fantasy
WRITTEN BY:
Brokenstringguitar

(ᵖᵃʳᵗ 8)

"Oh, apo napakaaga mo naman magising? Halika magkape ka na."

Wika ng kanyang Lola pagkagising niya, nagtungo siya sa hapagkainan na lito pa rin ang utak. Maya lang narinig naman niyang paparating ang kanyang Lolo at Tita kasama si Christian.

"Oh? Apo gising ka na? kamusta ang tulog mo? Napagod ka seguro sa byahe mo."

Napatingin naman si Loraine sa Lolo niya, ano bang byahe ang sinasabi nila? Hindi na niya sila maintindihan..

"Hi ate? Kumusta na? Si Lucas kumusta? isasama ka sana namin sa bayan kaso tulog ka pa."

Napatingin naman si Loraine kay Christian, akala ba niya na hindi ito nakakalabas? Bakit lumabas siya ngayon?

"Nakakalabas ka na? A-akala ko ba hindi ka nakakalabas dahil sa sitwasyon mo?"

Nagkatinginan naman ang mga kasama niya sa bahay, kung anong lito ni Loraine sa sarili niya mas nalilito sila sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo? Bata pa lang si Christian nakakalabas na 'yan, hindi naman namin siya tinuturing na iba. Namumuhay siyang isang normal, mabait at masayahing bata."

Ang kanyang tiya Amalia ang nagsalita. Hindi na nakaimik si Loraine, pakiramdam niya mabubuwang na siya sa nangyayari, mayro'n talagang hindi tama sa bahay na 'to, at kailangan niya mahanap si Shane. Ibang-iba ang pamilya niya ngayon sa pamilya niya kagabi, mga masayahing tao ang mga ito, samantalang ang nakasama niya no'ng dumating siya ay akala mo hindi nakakain sa boung buhay nila. At ang bahay nila ngayon iba ang awra, pakiramdam niya napakaliwanag ng paligid, hindi tulad no'ng nakaraan na akala mo namatayan, parang nasa loob ka ng black and white tv sa ambiance ng lugar..

"Ate gumala ka na lang sa bayan para maaliw ka, masaya do'n marami ng palamuti… 'di ba mama?" Masayang saad ni Christian, napatango naman ang kanyang Ina.

✿✿✿✿

NANG matapos na silang mag-agahan nag paalam si Loraine na maligo dahil pupunta siya sa bayan para hanapin si Shane. Kailangan makita niya si Shane, kailangan masagot na niya ang lahat ng ito kung ayaw niyang umuwi sa Manila ng baliw. Nang makapasok na si Loraine ay nag-usap-usap ang kanyang pamilya tungkol sa nangyayari.

"Ano baga nangyari kay Loraine? saan siya nanggaling at ngayon laang siya nakarating dine?" Tanong ni Sita sa mga kasama

"No'ng tumawag ako sa Manila, abay sinabi ni Andres na andine na ang Apo ko na 'yan, no'ng araw na alam nating darating siya, nakaalis na 'raw si Loraine no'n." Sagot naman ni Mang Armando. Hindi na sila umimik, pero si Christian tahimik lang na nakatingin sa kanila.

♡✿✿✿✿

"Tuloy na po ako." Paalam ni Loraine sa pamilya na kasalukuyang abala, nang maalala niya kung nasa'n ang papa niya. " ‘La, si Papa pala nasa'n?"

Gulong napatingin si Sita sa kanya at sa mga kasama niya, habang si Christian ay nakikinig lang.

"A-abay nasa Manila 'di ba?"

𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾 𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon