𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 ᵖᵃʳᵗ 10

35 4 0
                                    

ᴀ sʜᴏʀᴛ sᴛᴏʀʏ
ᴛɪᴛʟᴇ: 𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾 𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃
GENRE: Horror/ Fiction
SUB-GENRE: Fantasy
WRITTEN BY:
Brokenstringguitar

(ᵖᵃʳᵗ 10)

Ito na ang magiging matinding laban na gagampanan ni Loraine, laban na walang kasiguraduhan kung mananalo siya. Ang mga Orimaw ang kilalang mga engkantong rebelde, sila ang mga engkantong nais sakupin ang mundo ng mga tao, at mundo ng mga puting engkanto... Ang mga Harimawari.

Sila ang mga engkantong nangangalaga para gabayan ang mga manggagamot na nagliligtas ng buhay, sila ang mga tinatawag na... babaylan. Ang mga Orimaw ay malalakas sa Gabi pero mahihina sa Umaga, hindi nila kayang lumaban sa anyong tao, kaya sakto lang na umaga ang balik niya. Habang naglalakad siya paakyat ng hagdanan nararamdaman na niya ang kanilang presensya, nakakapangilabot.

Napahinto siya at napatingin sa paligid, tinitigan niya ang bawat sulok, pati ang langit. Nanlaki ang mata niya nang may nakita siyang kumislap sa taas, napatingin ulit siya sa gilid at nakita niyang kumikislap ito.

Alam na niya, nasa loob sila ng kwadradong salamin, kaya pala ibang mundo ang nakikita niya sa Gate, dahil lahat ng iyon ay isang ilusyon lang sa pamamagitan ng kwadradong salamin. Lahat ilusyon, ang kaparangan, ang mga tao na nakikita sa labas, ang magagandang bulaklak, lahat nang 'yon ay ilusyon lang ng salamin.

Nang papalapit na siya sa pinto ay kinakabahan na siya, pero kailangan niyang maging matapang, para sa pamilya niya at para sa mga Harimawari. Bubuksan na sana niya ito, nang bigla itong bumukas at lumantad sa kanya ang Lola niyang ngiting-ngiti... Pero nakakakilabot na ngiti.

"Saan ka galing mahal kong apo?" Habang nagsasalita ang pekeng Lola niya ay nangilabot siya, pero pinilit niya pa ring ngumiti..

"Galing ako sa kaibigan ko la, pasensya na la hindi ako nakauwi. Galit ka po?" Wika pa niyang niyakap ang Lola, inisip niyang Lola niya ito, dahil ang pakiramdam ng mga Orimaw ay malakas, malalaman nila na natatakot ka.

"Ay hindi na apo, normal laang 'yan sa mga kabataan. Tara na dine, pasok na tayo sa iyong tahanan."

''Tahanan niyo lang mga Kurimaw kayo.'' Wika niya sa isip niya saka siya na ang nag-alok na isara ang pinto, may sinabit siya sa pinto na isang Urn necklace pero ang nakalagay ay asin na may orasyon ni Shane. Ang asin na 'to ang siyang panguntra na walang ni isang Orimaw ang makakalabas.

"Lahat sila Loraine ay hindi nakakalabas sa labas ng gate, hanggang bakuran lang sila, dahil ang mga Orimaw mahina sila kapag nasa labas ng salamin." Huling natatandaan niyang sinabi ni Shane, nagiging mas kakaiba ang kilos ng mga pangit na halimaw ngayong unti-unti nang nalalantad ang kanilang pagkatao.

" 'La, 'di ba fiesta ngayon wala po tayong handa?"

"Apo simula no'ng pinanganak ang iyong pinsan ay hindi na kami nag hahanda, dahil mapanganib para sa kanya."

Napatango naman si Loraine at nakatingin sa peke niyang pinsan, nakatingin lang ito sa kanya, nakangiti pero hindi kumukurap. 'Ayos lang siya? Sana mapuwing ka' Wika niya sa isip niya..

"Pasensya ka na Ate Loraine ha, dahil sa akin ay hindi tayo nakapaghanda." Paghingi ng tawad ng peke niyang pinsan.

"Wala 'yon, ang mahalaga ang kaligtasan mo hindi ba?"

𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾 𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon