𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 ᵖᵃʳᵗ 7

39 5 0
                                    

ᴀ sʜᴏʀᴛ sᴛᴏʀʏ
ᴛɪᴛʟᴇ: 𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾  𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃
GENRE: Horror/Fiction
SUB-GENRE: Fantasy
WRITTEN BY:
Brokenstringguitar

(ᵖᵃʳᵗ 7)

𝓐𝓷𝓰 𝓛𝓪𝓵𝓪𝓴𝓲 𝓢𝓪𝓵𝓪𝓶𝓲𝓷
ᵖᵃʳᵗ 7
Written by: Lira Luna

"Loraine, gumising ka mula sa mahimbing mong pagtulog, oras na upang buksan ang iyong isip, ikaw mismo ang makakasagot sa iyong mga katanungan, ikaw lang Loraine ."

'Yan ang mga katagang paulit-ulit na naririnig ni Loraine sa utak niya habang nakahiga siya sa kanyang kama… Ano ba ang ibig sabihin ni Shane? 'Yon ang mga katanungan sa isip niya na kahit anong gawin niya ay hindi niya maintindihan.

Nag-lock siya ng pinto dahil ayaw niyang magambala ang kanyang pag-iisip, nakakulong lang siya at may pakiramdam siyang parang ayaw niyang harapin ang mga tao sa labas. Nasa gano'n siyang pag-iisip nang mapabalikwas siya, may mga naalala siyang bagay na hindi niya alam kung ano, simula nang dumating siya dito wala siyang maalalang kahit ano, kahit 'yong tungkol sa kakayahan niya ay hindi niya maalala.

Tumayo siya at nagpabalikbalik sa paglalakad na tila mayroong mga nawawalang piraso ng kanyang ala-ala. Ano ang mga nawawalang ala-ala na 'yon? Basta mayro'n siyang mga naaalalang mga papel na may sulat pero hindi niya alam kung ano.Halos sumakit na ang ulo niya kakaisip kung ano ang mga 'yon.

Samantala sa labas…

"Mukhang malalim ang iniisip ni Loraine, may nalalaman na kaya siya?" Tanong ni Amalia

"Posible, marahil ay 'yan ang iniisip niya ngayon." sagot naman ni Christian sa Ina.

"Gumawa tayo ng paraan, matalinong tao ang batang 'yan.." Wika naman ni Mang Armando habang nakatingin sa pinto ng kwarto ni Loraine.

♡✿✿✿✿

𝐋𝐎𝐑𝐀𝐈𝐍𝐄'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Sinag ng araw, tunog ng tubig sa dalampasigan, mga huni ng ibon na parang musika sa pandinig, ang simoy ng hangin na tumatangay sa amoy ng mga bulaklak.

Hmmm... sariwang hangin, ang sarap sa pakiramdam, Naglalakad ako sa lawak nang kaparangan, suot ang magarang damit na kulay puti, na napakalambot sa katawan.

ang saya…ang sarap...ang gaan sa pakiramdam.

"Loraine"

Napalingon ako sa tawag na 'yon, isang babaeng nakasuot ng mahabang bistida ang tumawag sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko, ngumiti siya, at ang ngiti niya ay parang ngiti ng mga anghel na bumaba mula sa lupa.

"Loraine, Loraine… Nakalimutan mo na ba ang iyong kakayahan? Loraine, ang isang tunay na anyo ay natatabunan ng kagandahan, ang ating mata ay parang salamin, dito natin nakikita kung ano ang totoo o nagbabalatkayo. Nasa iyo ang susi na malaman mo ang buong katutuhanan, ano man ang iyong nakikita ngayo'y huwag palilinlang"

Wika niya habang palayo siya nang palayo, hinabol ko siya, dahil hindi ko siya maunawaan.

"Sandali! Hindi kita maunawaan!
Pero nadapa ako sa tubig, naupo ako at hinatid ko lamang siya ng tingin, saka tiningnan ang aking sarili sa tubig, napatakip ako ng bibig dahil iba ang nakikita ko sa aking repleksyon.

𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾 𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon