𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 ᵖᵃʳᵗ 6

35 4 0
                                    


𝓐𝓷𝓰 𝓛𝓪𝓵𝓪𝓴𝓲 𝓢𝓪𝓵𝓪𝓶𝓲𝓷
ᵖᵃʳᵗ 6
Written By: Lira Luna

"Ano ba ang napanaginipan mo apo at nagsisisigaw ka ha?" Tanong nang Lola ni Loraine sa kanya habang hinahagod ang likod niya, habol niya kasi ang hininga niya sa sobrang takot.

"Abe, Armando bilisan mo naman, ang tubig eh.." Sigaw muli ng kanyang Lola sa Lolo niyang papasok sa kwarto habang dala ang isang baso ng tubig.

"Andine na, heto naman at alam mong nirarayuma na ako eh." Wika ng kanyang Lolo sabay abot ng baso na may lamang tubig, nang abutin ni Loraine ang tubig sa may inuman niya ito hinawakan at laking gulat niya nang mahulog ang puwet ng baso, nabasag ito sa kamay niya.

Napasigaw siya sa gulat at napatingin sa baso, nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa mga bubog nito. Ayon sa kasabihan, kapag nagpunta ka sa isang lugar na hindi pamilyar sa'yo, kapag makikiinom ka ng tubig sa isang tahanang hindi mo kilala, huwag mo hawakan ang p'wet ng baso, hawakan o abutin mo ito sa taas kung saan ka iinum, at kung malaglag ang p'wet ng baso na hindi mo binasag ay maaring hindi tao ang nakatira sa bahay na 'yon maaaring... Aswang o Engkanto

O 'di kayay tignan mo sila sa mata at kapag baliktad ka sa mga mata nila, hindi tao ang kaharap mo kundi mga hindi mo kauri. Dahan-dahan siyang napatingin sa Lolo at Lola niya, nakatingin ang mga ito sa basong nabasag, samantala ang kalahati ng baso ay hawak pa ni Loraine. Napatingin din sa kanya ang Lola niya pero nang mapansing tinititigan siya ng apo ay nag-iwas ito ng tingin.

"Abay Mando ano pang tinitingin-tingin mo riyan? Kumuha ka ng walis at baka tayo'y masugatan eh, nakatitig ka pa riyan."

"Nako, ako nalang nakikita eh, pagkatamad 'reng matanda na 're."  Wika ni Mang Armando sa kanyang asawa.

"Ay akala mo naman kung makapasalita eh..." tingin kay Loraine.."Akin na 'yang baso apo at baka masugat ka.." Lingon ulit kay Mang Armando. "oh dalhin mo na rin 'tong basag na 're.."

Kinuha ni Mang Armando ang basag na baso saka lumabas ng kuwarto, kinabahan man ay hindi na alam ni Loraine ang nangyayari, kailangan niyang mag-isip.

"Lola bukas ay tatawag ako sa Manila." Wika niya sa kanyang Lola, bumakas naman ang pagkagulat at pag-alala sa mukha nito.

"Ha? Ah bakit apo aalis ka na ba dito?"

Napatingin muna siya sa mukha ng kanyang Lola.

"Hindi po, kukumustahin ko lang sila Papa, nabasag kasi ang baso, hindi po ba masamang pangitain 'yon?" Pagsisinungaling niya sa Lola niya.

"Tama ka apo, ikumusta mo din ako sa kanila, itanong mo din kay Katrine kung makakauwi siya dine."

Napatango na lamang si Loraine hanggang sa bumalik ang Lolo niyang may dalang walis saka winalis ang mga bubog.

"Hija 'wag mo bigyan iyon nang kahulugan, baka may bitak na rin ang basong 'yon hindi ko lamang napansin."

Hindi na lamang pinansin ni Loraine ang kanyang Lolo, dahil sa dami nang gumugulo sa utak niya.

"Sege na apo matulog ka na at nang maaga kang makapunta sa bayan bukas."

✿✿✿✿♡✿✿✿✿

UMAGA pa lang nagising na si Loraine, at nag-iisip kung ano ang unang hakbang na gagawin, at kung kanino hihingi ng tulong. Ano kayang kababalaghan ang nangyayari sa bahay na ito? Kailangan may gagawin siya, kailangan may matutuklasan siya at 'yon ang unang gagawin niya ang tuklasin ang nangyayari ngayon.

"Kaya na bang maglakbay ng barko sa isip mo? Napakalalim kasi."

Nagulat siya sa nagsalita at napalingon sa likod niya, nakita niya ang nakangiting pinsan.

𝒜𝓃ℊ ℒ𝒶𝓁𝒶𝓀𝒾 𝓈𝒶 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒾𝓃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon