I actually have four choice. It is to walk; to ride at Kaze's car, or to Rozen's black big bike, or just stay here.
Kaze's car would be convient since naka-dress ako at alam kong liliparin iyon ng hangin.
But I can hold it naman.
Bakit pa kasi ako nag-dress?
Ah, because I can't afford to buy clothes. Kasi, tumakas ako sa kasal. I wonder, magiging sweet husband kaya si Crest kung sakaling natuloy ang kasal?
"Charvi Isabelle, wala ka bang balak pumili?" ma-attitude na tanong ni Rozen. Aba! Kanina pa kaya siya nagsusungit.
At dahil dito, I chose Kaze's. Pumasok na ako sa kotse niya samantalang pabalya namang initsa ni Rozen ang helmet niya sa likuran ng motor niya.
Nakita ko ang pagngisi ni Kaze nang makapasok ako sa kotse. Mabilis na pinaharurot ni Rozen ang motor niya na sinundan namin.
Amoy na amoy ko ang loob ng kotse. Halatang kanya nga ito, wait. I adjusted myself in the seatbelt hanggang maamoy ang pamilyar na scent na 'to.
Huh? Crest? Crest's?
Ano naman ang gagawin ni Crest sa kotse niya?
Crest's perfume is strong yet hindi masakit sa ilong. Siya yata ang isa sa kilala kong parang pinanliligo ang pabango dahil kahit pawis noon mula sa paglalaro ng basketball— mabango pa rin.
"May problema ba, Caisa?" may kalalimang boses na tanong ni Kaze. He even looked at me for seconds.
Ngumiti lang ako.
Malayo-layo na rin pala ang distansiya namin kay Rozen.
Ang maganda dito sa lugar na pinili nina Kaze, may parang tunnel na daraanan muna before makalampas sa lugar nila. It makes them feel safe dahil hindi naman ito ganoon mapapansin.
We arrived at the real highway. Mas naging malayo tuloy ang agwat namin sa kan'ya.
Ilang sandali pa, lumiko kami pa-kanan. Mayroon pang pababa tapos pataas ang kalsada then paulit-ulit lang until we arrived at the place where many people lives dahil na rin sa mga magkakatabing tirahan.
Inabot rin yata kami ng isang oras para lang makarating dito.
Agad kong tinanaw ang mga magkakasamang pamilya, magkakaibigan o mag-asawa. They looked happy habang tumitingin sa iba't ibang tindahan at may itinuturo na kung ano.
Nagulat pa ako dahil ng makalabas kami, nakita ko ang mataas at malaking ferris wheel sa likod nito.
I didn't expected this!
"Gusto mong sumakay diyan?" nanindig ang balahibo ko sa bulong ni Rozen.
Alam ko kasing ang lapit ng katawan niya sa'kin, at naninibago ako sa kakaibang boses niya kaninang bumulong.
Agad akong lumayo pero nilingon siya. "Pwede ba?"
"Tara na, Caisa. Si Rozen naman talaga ang mamamalengke so, let's go," aya ni Kaze. Nakalahad pa ang kamay niya sa hangin.
"Isabelle. Sabi mo, sasamahan mo'ko?" Rozen's forehead is creased habang naguguluhang nakatingin saakin. Nakalahad rin ang palad niya.
"Magtabi kayo ng konti," bossy kong sabi. Ginawa naman nila. "Sige, tara na muna sa palengke!" Lumapit ako sa kanila at iniangkla ang braso sa kanilang magkabilang braso.
Papipiliin naman ako eh.
Ngiti-ngiti akong naglakad habang nakabusangot at inis ang mukha ni Rozen, si Kaze naman ang nakangiti lang din.
YOU ARE READING
Embracing The Moon
AléatoireEach of us have something to help for further greatness of our world and even to people. However, not all of us had the strong urge and passion to do things that would not give us something in return. Charvi Isabelle Eleanor is a person who thinks...