I don't tolerate killings pero alam kong sa bawat kamatayan, may rason kung bakit ito kinakailangang mangyari. Life for me is too precious but also envious. All of my life, I always envy how people can play with their parents, have a caring and sweet sister— a perfect family, rather.
Pero sa nakamulatan kong pamilya, I accepted how fate became the antagonist in people's story. When you witnessed something that you shouldn't stick your nose into, alam mo na ang kasunod.
Curiousity killed the cat.
Sinubukan kong sabayan ang lakad ni Rozen na inabot din ng ilang segundo. He's walking in the fast pace, hindi man lang yata inisip na hindi ako sanay na lakaran ang putikan. Mas nakakaya ko pang maglakad gamit ang mga killer heels kung tawagin.
"Hindi naman masakit ang ulo mo?" Rozen's back with his language. Mabuti nalang at nakahingi na ako ng pahintulot kay Kaze na magsalita kung saan ako kumportableng salita.
"Uh, yes. Okay lang naman ang pakiramdam ko ngayon." I eyed the backpack na dala niya, naroon ang mga ginamit namin kagabi pati ang mga basang damit.
"Paano ka nawala kahapon? Paano ka nila nadala do'n? Malayo ang kubong iyon, kung tutuusin. Imposibleng walang makapansin sa nangyari," sunod-sunod na tanong niya.
Even when I woke up in that place, those question ran to my mind. "I was with Kaze yesterday morning because I asked about my freedom— no. Sinabi kong aalis na ako."
Naramdaman ko ang paghinto niya sa paglalakad. "Why would you leave? Dahil ba sa nangyari?"
"Tapos, tumakbo ako palayo sakaniya pagkatapos. But then, we settled into me staying so hindi ako tatakas. After a while of running, someone caught me. Bigla akong tinakpan ng panyo sa ilong then everything went black, pagkagising ko naroon na ako," pagtatapos ko ng nasimulang kwento.
Natatanaw ko na ang bungaran ilog. "How can we get there? Mali yata ang nadaanan natin, Rozen."
Hindi niya rin ako pinansin kaya napaismid ako sa tabi. What's wrong with him? Nagpapakwento. Tinapos ko naman ah?
"Ako muna ang mauuna, sasaluhin nalang kita sa kabila," pinal niyang sabi na hindi man lang ako tinanong kung payag ba o hindi.
Kinuha niya ang mahabang lubid na nakatali sa malaking ugat ng puno. Bahagya siyang lumayo saakin at inilagay sa harapan niya ang backpack.
Wait, what is he doing?
I was amazed ng hayaan niyang tangayin siya ng mahabang tali sa kabilang dulo. He didn't looked like Tarzan, medyo may pagka-gangster ang hitsura niya sa ganito.
"Hoy. Kunin mo ang tali ha?" untag niya saakin.
Inilagay niya muna sa katabing puno ang backpack bago ako tinitigan ng mariin.
At hindi ako kumportable sa tinging iyon.
Sinalo ko ang lubid, then I had the idea. Hinawakan ko ang sa may itaas nito, bago ginaya ang paglayo niya kanina.
I tighten my grip. Baka bigla akong mahulog sa gitna ng maliit ngunit may kalalimang ilog.
Tinangay ako sa kabilang dulo pero bago pa dapat ako bumitaw, I let the rope put me back at sumigaw!
"Wohoo!"
"Hahaha!"
"Ang saya!" sunod-sunod kong litanya. Hinayaan ko lang na madampian ng tubig ang mga paa ko. Limang beses na yata akong nagpapabalikbalik. Lalo namang tumatalim ang tingin niya saakin hanggang sa tumalikod siya at umalis kasama ang bag.
"Rozen! Wait for me!" Nagmadali akong kumapit muli sa lubid pagkatapos ay sumabay sa galaw nito, pabagsak pa akong bumagsak sa lupa dahil wala ang sana'y sasalo saakin.
YOU ARE READING
Embracing The Moon
OverigEach of us have something to help for further greatness of our world and even to people. However, not all of us had the strong urge and passion to do things that would not give us something in return. Charvi Isabelle Eleanor is a person who thinks...