Hindi mapigilan ni Kathryn na kabahan habang papunta sila sa bahay ni Tin. Ito ang araw na formal nilang iaannounce na kasal na sila ni Daniel. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang iexpect. Hindi nya alam paanong tatanggapin ng mga kapatid ni Diana ang ginawa nila. Tanggapin kaya sya ng mga ito?
Nagulat sya nang maramdaman nyang hinawakan ni Daniel ang kamay nya at pinisil ito ng bahagya. Ito ata ang unang pagkakataon na naging close sila sa isa’t isa. Mag-asawa nga sila, but they are practically strangers to each other. Civil lang kung tratuhin sya nito. Kahit minsan ay nag-eeffort syang kilalanin pa si Daniel pero lagi naman itong busy sa trabaho. Madalas ay iniisnab sya ng lalaki. Pero kung may isang bagay na gusto nya dito ay isa itong mabuting ama kay Nina.
“Magugustuhan ka nila.” Paninigurado ni Daniel.
“Pero hindi ako si Diana.”
“Alam naman nila yun. Ipupusta ko ang kayamanan ko, pina-imbestigahan ka na nila in hoping na ikaw ang kapatid nila.”
“Sigurado ay disappointed sila.” Malungkot na sambit ni Kathryn.
Napangiti si Daniel pero hindi umabot sa mata nya. “Yeah. Kahit ako eh.”
Napayuko si Kathryn sa sinabi nito. “Sorry.” Bulong nya.
“For what? Dahil hindi ikaw si Diana? Ano ka ba. Hindi mo naman yun kasalanan. Wala na sya. That’s the price she paid for being my wife.” Mapait na sabi ni Daniel. “Advice lang, wag kang gagaya sa kanya kundi ay mamamatay ka rin ng maaga.” Sinubukan pa nitong magbiro pero nabigo din ito.
Nadurog ang puso nya nang makita nya ang sakit at pangungulila sa mga mata ng ‘asawa’. Ito ata ang unang pagkakataon na naging transparent ang lalaki sa mga emotions nya. Madalas kasi ay reserved ito.
Tiningnan sya ni Daniel. “Wag mo ko tingnan ng ganyan, Kath. Hindi ko kailangan ng awa. Lalo na kung galing sayo. Galing sa babaeng pinakasalan ko.” Seryosong sabi nito.
Ang babaeng pinakasalan nya.
Siya yun. Si Diana ang asawa ni Daniel. At sya lamang ay ang babaeng pinakasalan ni Daniel para sa anak nito.
Alam naman nya yun noong umpisa pa lang pero bakit sumasakit sa puso nya sa katotohanang iyon?
Napabuntong hininga sya. “Hindi ka naman nakakaawa. Yun na siguro ang last na emotion na mararamdaman ko para sayo. Malungkot lang na pinaghiwalay ng kamatayan ang dalawang taong sobrang nagmamahalan. Life is so unfair.”
“Andito na po tayo, Sir.” Anunsyo ng driver bago pa man nakasagot si Daniel.
Hindi maiwasan ni Kathryn na mamangha sa mansion na pinuntahan nila. Napakaganda noon. Merong napakalawak na garden sa harapan at may magandang fountain.
May mga imahe ng isang maliit na batang babaeng sumasayaw sa may fountain ang biglang pumasok sa isip nya. Agad syang umiling. Hindi pwedeng sumakit ang ulo nya ngayon. Hindi ito ang tamang oras at lugar.
Nagawa nyang pigilan ang headaches pero ramdam pa rin nya ang familiarity at pakiramdam nya ay at home sya sa lugar na iyon. Lahat ng worries nya kanina ay nawala pagkapasok pa lang nya sa loob ng bahay.
She’s home.
“Minana ni Ate Tin ang mansion na ito sa mga magulang nila ilang taon na din ang nakalipas. Ito ang lugar kung saan lumaki silang apat na magkakapatid. Dito na rin lumaki at nagkaisip si Diana. Dito ko sya pinapanood mula sa malayo noong mga bata pa kami.” Kwento sa kanya ni Daniel.
BINABASA MO ANG
Diana
General FictionDiana, Let me be the one to light a fire inside those eyes, You've been lonely, You don't even know me, But I can feel you crying, Diana, Let me be the one to lift your heart up and save your life, I don't think you even realize baby you'd be saving...