Agad na tumakbo papalapit si Kevin nang makitang hinimatay si Kathryn. Mabuti na lamang at nasalo ni Kaye ang dalaga at mukhang ninerbyos din ang mga kapatid nya sa nangyari.
“What happened?” Tanong ni Tin sa kanila. Nagwoworry na din sya sa nakita.
“Hindi ko alam, Ate. Basta ang alam ko lang kailangan na natin syang dalhin sa hospital.” Sagot ni Kaye habang tinutulungan ni Kevin na buhatin ang dalaga.
“What happened to Mommy, Tito?” Naiiyak na tanong ni Nina. Halatang ninenerbyos na rin ang bata nang makitang walang malay ang ‘ina’ nya.
“Magiging okay din si Mommy, baby.” Paninigurado ni Kevin sa pamangkin.
Nagmamadali nilang isinakay sa kotse ni Tin si Kathryn. “Kaye, maiwan ka na dito. Bantayan mo si Nina.” Utos niya sa kapatid.
Tumango lamang si Kaye kahit pa gusto nyang sumama sa mga ito para masiguradong okay lang ang ‘kapatid’ nya. Hindi na ito uli pwedeng mawala sa kanila.
__________
Nanghihinang iminulat ni Kathryn ang mga mata nya. Tumingin sya sa paligid. Puro puti ang nakikita nya at parang pamilyar ang amoy ng lugar na iyon. Nasa hospital sya. Ayaw na ayaw pa naman nya ang mga ospital. Ayaw nya ang amoy nito.
Tatayo na sana sya nang may isang babaeng nakaputi ang pumigil sa kanya. “Wag kang masyadong gumalaw, Miss Kathryn. Okay na ba ang pakiramdam mo?”
Tumango sya. “Okay lang ako. Gaano na ko katagal dito?”
“More or less 20 minutes. Ano ng nararamdaman mo ngayon?”
“Sabi ng doctor ko sa Canada ay normal lang naman ito.” Simpleng sagot nya.
“Normal?”
BINABASA MO ANG
Diana
General FictionDiana, Let me be the one to light a fire inside those eyes, You've been lonely, You don't even know me, But I can feel you crying, Diana, Let me be the one to lift your heart up and save your life, I don't think you even realize baby you'd be saving...