Nang buksan ni Kathryn ang mga mata nya, ang unang nyang nakita ay ang mukha ni Daniel. Malambing syang ngumiti dito. Masaya sya na naroroon ang asawa nya. She feels secured kapag nasa tabi nya ito.
Hinalikan sya ni Daniel sa noo. "Gusto kong magalit sayo dahil hindi mo sa kin sinabi na may amnesia ka pala all this time." Mahinang sabi nito.
Hinaplos naman nya ang pisngi nito. Halata pa rin ang pag-aalala sa mga mata ng asawa. "Ayokong umasa ka na ako si Diana. Alam kong papaniwalaan mong ako sya kapag sinabi ko sayo na may amnesia ako nung una pa lang. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin, kung ano ang dapat kong maramdaman. Minsan pakiramdam ko, ako ang asawa mo, si Diana. And it scares the hell out of me."
"Wag na nating pag-usapan si Diana." Mahinahong sagot ni Daniel. "Sabi ng doctor mo ay nagsisimula mo ng maibalik ang mga alaala mo. Dun na lang muna tayo mag-focus sa ngayon. Wag mo ng isipin si Diana. Gagawin natin yan pag naibalik mo na ang mga alaala mo."
"Pero pakiramdam ko ay ayoko ng maalala ang nakaraan ko. Natatakot ako, Daniel." Nag-aalalang pag-amin nya.
Hinalikan sya ni Daniel.
"Andito lang ako. Hinding hindi kita iiwan. Hindi ka dapat matakot. I love you." Buong pagmamahal na paninigurado nito sa kanya.
Sa pagkakataong iyon ay bumukas ang pintuan at pumasok sina Kevin at Shannen sa kwarto ng hospital na kinaroroonan nya. Ngumiti sya sa dalawang bagong dating. Umupo si Kevin sa tabi nya at hinalikan sya sa noo.
"Okay ka na, baby?" Malambing na tanong nito.
Nakangiting tumango sya bilang tugon.
"Nag-iimprove ka na, Kathryn." Sabi sa kanya ni Shannen. "One of these days, maaalala mo na lahat ng nangyari sa nakaraan mo."
At iyon na nga ang kinatatakutan nya. Natatakot syang malaman kung sino ba talaga sya.
"Anak kita. Wag mong pagdududahan iyon kahit kelan." Iyan ang mga katagang laging sinasabi ng Papa nya noong buhay pa ito.
Naniniwala sya dito. Hindi sya nagdududang anak sya nito.
__________
Isang matalim na tingin ang iginawad ni Tin sa lalaking kaharap. Gusto nyang masigurado na magandang balita ang dala nito kundi babalewalain nya ang mga magandang nagawa nito para sa kanya nitong mga nakaraang taon.
Ngumiti naman ang lalaki. "Hindi namatay ang kambal ni Diana pagkatapos ipanganak, Ma'am."
Napaupo ng tuwid si Tin sa narinig. Gusto nyang marinig ang mga salitang iyon pero hindi nya mapigilan ang nararamdamang kaba at excitement.
"Pasensya na ho at hindi maayos ang naging imbestigasyon namin noong nakaraan. Napag-alaman namin na parang may maling nangyari noong araw na ipinanganak ang kapatid ninyo. Malusog naman ang kambal ni Diana at walang rason para mamatay sya. Pinagmukha nilang namatay ito pero ang totoo, walang sanggol na namatay noong araw na iyon."
"Ano pa?" Kumakalabog ang puso nya sa mga naririnig at hindi na makahinga ng ayos si Tin.
"Nahanap namin ang janitor na dating nagttrabaho sa nursery nang nanganak ang mommy nyo ng kambal. Nahirapan kaming paniwalaan ang mga sinasabi nya nung una pero kinalaunan ay inanalyze namin ang mga pangyayari at may posibilidad na nagsasabi sya ng katotohanan. Sinabi nyang hindi nya makakalimutan ang kambal dahil ang cute daw ng mga ito. Nakita nya daw na kinuha ang isa sa mga sanggol sa nursery at ibinigay sa isang tao. Ang nakakagulat ay ang Daddy nyo daw ang nag-utos nito at sinabihan ang pinagbigyan na umalis ng bansa at siguraduhing hindi na sila babalik. Nakita rin daw nya na binayaran ang pedia at director ng ospital para baguhin ang mga nasa papeles. Sa madaling salita, Ma'am, yung Daddy nyo ay ipinamigay ang kapatid nyo at pinaniwala ang lahat na namatay ang sanggol ilang oras pagkatapos ipanganak."
BINABASA MO ANG
Diana
General FictionDiana, Let me be the one to light a fire inside those eyes, You've been lonely, You don't even know me, But I can feel you crying, Diana, Let me be the one to lift your heart up and save your life, I don't think you even realize baby you'd be saving...