Chapter 7

3K 183 28
                                    

“Hi. Good morning!”

Tumingala si Daniel sa bumati sa kanya at nakita ang nakangiting mukha ni Jasmine. Nasa opisina sya at abala sa pagbabasa ng mga business proposal. Siya kasi ang may-ari ng isang chain of malls sa buong Asia. Isa syang billionaire kahit pa bata pa sya.

“Hello.” Ngumiti sya pabalik. “Anong ginagawa mo dito?”

Matagal na nilang kaibigan ni Diana si Jasmine.

Naupo ang dalaga sa visitor’s chair and then crossed her legs. Alam ni Daniel na sinadya nitong gawin iyon dahil nakasuot lamang ito ng mini skirt. Tine-tempt sya ng dalaga. Kung sya ang dating Daniel, agad agad syang bibigay sa temptation.

Pero ngayon wala man lang syang naramdaman sa nakita.

“Andito ako to say goodbye. I’m going out of the country next weekend.” Sagot ni Jasmine.

“Saan ka pupunta?”

“Singapore. Vacation lang naman. It’s long overdue na nga. I need to get away for a while and have some fun. Gusto ko sanang isama si Nina pero ayaw nyang sumama. Sabi nya hindi daw nya pwedeng ma-miss ang classes nya sa Music Academy during weekends.”

‘Hindi nya kayang dumaan ang isang araw ng di nakikita ang Mommy nya.’ Gusto nya sanang sabihin dito.

Isang lawyer si Jasmine. Magaling din ito sa larangang iyon.

“Kailangan nyang pumasok sa school.” Paliwanag nya kay Jasmine.

Tinawanan lang sya nito. “Alam ko namang kaya mo yung gawan ng paraan. Walang impossible para kay Daniel Padilla. Dali na, Daniel. I-convince mo ang anak mo na sumama sa akin. One week lang naman. Sisiguraduhin ko na mag-eenjoy sya.”

“Di ba sabi mo tinanggihan ka nya? Wala akong magagawa doon. Kung ayaw nya sumama eh di hindi. And nagkakamali ka, may isang bagay na hindi ko kayang gawin. Hindi kayang buhayin ng pera ko ang asawa ko, Jasmine.”

“Ayan ka na naman. Stop being bitter about Diana’s death. Subukan mong buksan uli ang puso mo. Kailangan ni Nina ng isang nanay.”

“Alam ko.”

“I can be a good mother to her.”

Humugot ng malalim na hininga si Daniel. “I can’t love you, Jas. Namatay na ang puso ko kasama ng pagkamatay ni Diana. I can’t love anymore.”

“Patay na sya.” Exasperated na tugon ni Jasmine. “Kelan mo ba yun matatanggap? Six years na ang nakalipas, tigilan mo na ang pagsisi sa sarili mo. Stop feeling guilty.”

“It’s not guilt, it’s love! Alam mo yan. Mahal ko na sya before that incident happened.”

“Hanggang kelan ka magiging ganyan?” Jasmine asked bitterly. Nagwalk out na ito sa opisina nya bago pa sya nakasagot.

Tinitigan nya ang picture ni Diana sa desk nya bago nya binuksan ang isang drawer. Ilang malalim na hininga ang hinugot nya bago binuksan ang envelope na kinuha nya mula doon. Isa itong report ng private investigator tungkol kay Kathryn.

Binasa nya ang laman. Kathryn Chandria Manuel ay anak ng isang dating business tycoon sa Canada. Doon sya pinanganak at lumaki. Mahilig sya sa music at kaya nyang tugtugin ang lahat ng musical instruments. Nakatapos ito ng kursong Education major on Music two years ago with honors. Nagturo sya sa isang music academy sa Canada 3 months after nyang grumaduate. Mahilig din sya sa sports. Nanalo sya ng ilang tennis competitions at gusting gusto nya mag-snowboarding.

DianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon