Chapter 3

2.9K 189 41
                                    

Ngumiti si Kathryn sa batang tumawag sa kanyang 'Mommy'. Isa ito sa mga pinakamagandang batang nakita nya. Itim na itim ang buhok nito at maganda ang mga mata. She felt her stomach turned. Parang pamilyar sa kanya ang bata. It was as if kilala nya ito buong buhay nya. She shook her head mentally. Imposible iyon. Siguro ay nadala lang sya sa lungkot na nakikita nya sa mga mata noong bata.

Agad na tumakbo papalapit sa kanya ang bata habang patuloy na lumuluha.

"Mommy." Hagulgol nito habang nakayakap sa binti nya.

Nadurog ang puso nya. Lumuhod sya at niyakap ito. Parang natakot sya nang makaramdam ng kakaibang pagkalma nang yakapin nya ang bata. For the first time in years, she felt peace. Hindi nya alam kung anong espesyal sa batang iyon at naiparamdam sa kanya ang ganoong klaseng kapayapaan.

Matapos ang isang minute ay pinunasan nya ang luha ng bata at hinagod ang buhok. "Hindi ako ang Mommy mo, baby girl. Wag ka ng umiyak. Ako ang music teacher mo. My name is Teacher Kathryn. What's your name?"

"Ikaw ang Mommy ko." Pagmamaktol nito at lalo pang umiyak. "Sinungaling si Daddy. Sabi nya na-dead ka daw po sa accident nung baby pa ko. Hindi mo ba ko naaalala? Ako po si Nina." Patuloy nito habang humihikbi.

Nina.

'Nina. Gusto ko syang pangalanang Nina.' May narinig syang boses sa utak nya.

Mariin nyang ipinikit ang mata nya nang makaramdam sya ng sakit ng ulo. Kaninong boses yun? Buti na lamang at hindi iyon nagtagal. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Nina at nagsisimula na syang mag-alala. Hindi nya alam kung ano na ang gagawin.

Nararamdaman nya ang hinagpis ng bata. Niyakap nya ito uli at hinalikan sa ulo. Pinilit nya itong pakalmahin pero ayaw pa rin nito tumigil. Pinipilit pa rin nito na syang ang ina nito. Nakiusap sya sa isang co-teacher para mag-substitute muna sa klase nya dahil ayaw syang bitawan ni Nina. Walang tigil ito sa pag-iyak. Hinayaan nya lamang na yakapin sya nito habang tinatawagan ng director ng school ang Daddy nito.

Dinala nya muna ang bata sa isang bakanteng room habang hinihintay ang sundo nito. Ayon sa director ay di nila macontact ang ama nito kaya't ang Tito na lamang ni Nina ang dadating para sunduin ang bata. Doon nya lang din nalaman na si Nina pala ang pinaka-importantent estudyante ng music school na iyon. Isa ito sa pinakamayamang bata sa Pilipinas.

Tumugtog sya ng piano para pakalmahin ito. At saw akas ay tumigil na ito sa pag-iyak. Nakatitig lamang ito sa kanya na may parang amazed at fascinated sa kanya. Ngumiti sya dito kahit pa naiilang sya.

Kalahating oras ang nakalipas ay may dumating sa loob ng kwartong kinaroroonan nila. Sa tingin nya ay ito ang Tito ni Nina. Nakita nya na nanlaki ang mata ng lalaki nang makita sya. Nalaglag din ang panga nito. Parang natulala ito at naguluhan naman sya sa inaakto nito.

"Diana." Parang di makapaniwalang sambit ng lalaki. Biglang tumulo ang mga luha ng lalaking kaharap na talagang ikinagulat ni Kathryn. Lumapit sa kanya ang lalaki at niyakap sya ng mahigpit. Sobrang higpit na hindi na sya halos makahinga.

"Diana." Hagulgol ng lalaki. Ibinaon nito ang mukha sa leeg nya. Natulala lamang si Kathryn. Hindi sya makapaniwalang ang isang lalaking gaya nito ay kayang umiyak ng ganoon. Pakiramdam din nya ay pamilyar sya dito.

Marahan nyang tinulak ang lalaki palayo. "Hindi po ako si Diana, Sir." Magalang nyang sabi. "Ako po si Kathryn Bernardo. Bagong teacher lang po ako dito."

Tinitigan syang mabuti ng binata. "Ikaw si Diana." Sambit muli nito ng may conviction.

"Sabi ko po sa inyo, ikaw talaga ang Mommy ko." Dagdag pa ni Nina. "Bakit di mo po ako naalala? Kami?"

"Hindi ko talaga alam ang mga sinasabi nyo." Naiinis na sabi nya. "Nagkakamali lang kayo. Hindi pa ko kinakasal at lalong di pa ko nanganganak." Tiningnan nya si Nina. "Imposibleng maging anak kita. Buong buhay ko ay nakatira ako sa Canada. Ito ang unang beses na nakarating ako sa Pilipinas."

Nakita nya kung paano nalungkot ang binata. Bakas sa mata nito ang lungkot at disappointment. Parang biglang gusto nya itong aluin.

DianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon