Sinigurado ni Kathryn na magandang maganda sya nung araw na iyon. Papunta kasi sya sa office ni Daniel. Nag-bake sya ng cake para sa asawa.
Mukhang natulala ang mga tao ng pumasok sya sa lobby ng opisina ni Daniel. Hindi nya alam kung na-mesmerize ba ang mga ito sa ganda nya o alam nilang kamukha nya ang dating asawa ng boss nila.
Napangiti agad ang secretary ni Daniel nang makita syang lumabas sa elevator.
"Hi." Masiglang bati nya dito.
"Hello, Mrs. Padilla. Nasa loob po ng opisina ang asawa nyo. Pwede na lang po kayong pumasok."
"Hindi ba sya busy? Baka kasi nakakaistorbo ako."
"Sigurado po akong di kayo makakaistorbo. Matutuwa yun na makita kayo. At buti po may dala kayong cake. Hindi po kasi sya nakapag-lunch. Oorder na po ako ng drinks?"
"Yes, please. Salamat."
Dumiretso na si Kathryn sa opisina ng asawa. Binuksan nya ang pinto at di na nag-abalang kumatok. Nakita nya itong tutok na nagttype sa laptop. Agad namang ngumiti si Daniel ng makita sya. Pero hindi sya ngumiti pabalik dito. Inilapag nya ang dalang cake sa desk at pinagkrus ang kanyang braso.
Tumawa si Daniel at itinaas ang dalawang kamay. "Oo na. Kakain na ko ngayon. Wow. Dinalhan mo ng cake ang asawa mong matigas ang ulo." Sabi nito habang naglalakad papalapit sa kanya.
Sumimangot sya at di sumagot.
Ngumisi si Daniel at agad na pinulupot ang kamay sa bewang ng asawa. Pinaulanan nya ng halik ang buong mukha ni Kathryn hanggang sa wakas ay ngumiti na ito.
"Sorry na. Hindi na mauulit, promise. Kakain na ko ng lunch on time araw-araw." Paghingi ng tawad ni Daniel.
Hinaplos ni Kathryn ang pisngi ni Daniel. "Alagaan mo sarili mo, Daniel. Kumain ka ng maayos."
"Promise." Sabi nito sa kanya bago sya hinalikan sa labi.
Sabik namang tumugon si Kathryn sa halik. Parte na ng daily routine nila ang paghahalikan simula nang maabutan nya itong umiiyak noon. Gustong gusto nya ang paraan ng paghalik sa kanya ng asawa.
"Namiss kita." Pag-amin ni Kathryn nang sandaling pakawalan ni Daniel ang labi nya.
"Mas namiss kita." Bulong ni Daniel bago sya hinalikan uli.
Pinikit ni Kathryn ang mga mata nya at ninamnam ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi nya alam bakit hinahayaan nya lang si Daniel na halikan sya. At the back of her mind, alam naman nyang sa mga oras na iyon ay si Diana ang nasa isip nitong hinahalikan at hindi sya.
Madami namang manliligaw noon si Kathryn sa Canada pero wala syang hinayaang mapalapit sa kanya ng ganito. Ilang beses nan yang sinubukan na makipaglapit sa ibang manliligaw pero pakiramdam nya ay may mali kapag gagawin nya iyon. She feel like she's betraying someone. Para bang wala sya dapat karapatang tumingin sa ibang lalaki. Para bang committed na sya pero kahit sa totoo ay hindi naman. Para bang may nagmamay-ari na sa kanya. Pero hindi nya nararamdaman ang lahat ng iyon kapag kasama nya si Daniel. Para bang ito ang lalaking nagmamay-ari sa kanya. Sa isip nya ay baka dahil sa sanctity ng marriage kaya nararamdaman nya ang ganung seguridad ngayon.
Pinutol nya ang paghahalikan nila nang marinig nyang bumukas ang pinto. Bahagya din syang lumayo kay Daniel.
Isang pamilyar na pares ng galit na mga mata ang bumungad sa kanya. Ito ang una nyang napansin sa babaeng pumasok sa opisina ng asawa. Nakita na nya ang mga matang iyon na puno ng galit at sakit pero hindi nya maalala kung saan at kalian nya iyon nakita.
BINABASA MO ANG
Diana
General FictionDiana, Let me be the one to light a fire inside those eyes, You've been lonely, You don't even know me, But I can feel you crying, Diana, Let me be the one to lift your heart up and save your life, I don't think you even realize baby you'd be saving...