"Happy Anniversary." Malambing na bulong ni Daniel. Ngumiti sya sa kanyang pinakamamahal. She's so beautiful, the most beautiful woman para sa kanya. And she's his wife. Malambing nyang hinaplos ang pisngi nito. The face of an angel. Mahal na mahal nya ito.
Ngayon ay 8th anniversary nila. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Ganun na sya katagal na kasal sa babaeng ito.
"I love you. Alam mo naman yun, di ba? Paulit uli ko yung sinasabi sayo sa loob ng maraming taon. Sana ay napatunayan ko na ang sarili ko sayo. Sorry sa lahat ng nagawa kong mali. I love you... I love you..." Paulit uli nyang sambit habang humahagulgol. "Miss na miss na kita, Babe. Sana nandito ka." Niyakap nya ng mahigpit ang picture nito. "I miss you so damn much."
"Daddy?"
Agad nyang pinunasan ang mga luha nya bago humarap sa kanyang pitong taong gulang na anak. Ngumiti sya dito at sinenyasan itong lumapit sa kanya. Sinunod naman sya ni Nina at naupo ang bata sa kandungan nya.
"Umiiyak ka na naman po." Sabi nito sa kanya habang hinahaplos din ang picture ng Mommy nito. "Lagi ka na lang pong umiiyak pag tinitingnan mo ang mga pictures nya kapag anniversary nyo."
Hinalikan nya ang ulo ng anak. Mahal na mahal nya ang unica hija nya. Ito lang ang nagiisang source nya ng happiness. Ito lang ang dahilan nya para mabuhay ng matagal. Ito lang kasi ang natitirang alaala na iniwan sa kanya ng asawa nya. Ito ang kanyang replica. Nina is the mirror image of her mom.
"Ngayon din po ang 6th anniversary ni Mommy." Malungkot na sambit ng bata. Gusto uling maiyak ni Daniel. Ayaw na nyang maalala iyon, pero hindi nya magawa. She died on the exact date of their 2nd anniversary. Isang taon pa lang si Nina noon. His life was never the same again simula ng mamatay ang asawa nya. Pakiramdam nya ay may namatay ding parte ng katawan nya kasama nito. Sa loob ng anim na taon, he lived in misery. Tuwing umaga ay hinihiling nyang makita ang mukha nito sa tabi nya pagkagising nya.
"Hindi po ba time na para mag-let go, Daddy?"
"No." Mariin nyang sagot.
Napabuntong hininga na lang ang anak nya. Sa loob ng maraming taon ay nanatiling intact ang mga alaala ng asawa. Sinigurado nya iyon. Lahat ng damit nito ay maayos pa ring nakalagay sa cabinet nilang mag-asawa. Para bang hindi ito namatay. Ang mga gamit nito sa vanity dresser ay nakasalansan pa rin. Ang buong bahay ay punong puno ng mga litrato ng asawa nya. Ang mga halaman na alaga nito ay maayos ang pag-mamaintain gaya ng gusto nito. Ang mga musical instruments nito ay laging nililinis. Lagi nya ring kinekwentuhan ang anak nya ng mga bagay tungkol sa ina nito. Sinisigurado nyang pinaguusapan pa rin ito ng mga tao. Sinigurado nyang hindi ito malilimutan. Never syang nag-attempt na palitan ang asawa nya. He will forever be faithful to her. Wala syang kinasamang ibang babae simula nang mamatay ito. Pinangako nya na ito lang ang babaeng mamahalin.
"Ang ganda po ni Mommy." Malambing na sabi ni Nina. Kitang kita ang admiration sa mata ng anak nya.
"Yes at kamukha mo sya. Sabay kaming lumaki ng Mommy mo at parehong pareho talaga kayo. Maganda ka rin, baby. Pag laki mo, magiging kagaya ka nya. Gusto kong maging gaya ka nya. She's the best person I've met in my whole life. Napakabuti ng puso nya. Wag mo syang kakalimutan, baby. Mahal na mahal ka nya."
Ngumiti si Nina sa ama nya. "You know naman po na love ko sya kahit hindi kami matagal na nagkasama. Pero hindi po ba OA na tayo, Daddy? Ang tagal ng wala ni Mommy. Dead na po sya. Tanggapin na po natin. She's dead and ikaw po alive pa. Bakit di ka po magpakasal again? Bata ka pa naman."
Umiling lamang si Daniel. "I will love your Mommy forever, Nina."
"Pero wala pong forever."
BINABASA MO ANG
Diana
Fiksi UmumDiana, Let me be the one to light a fire inside those eyes, You've been lonely, You don't even know me, But I can feel you crying, Diana, Let me be the one to lift your heart up and save your life, I don't think you even realize baby you'd be saving...