Miguel Rodrigo's POV.....
.
I know, mahirap mawalay sa pamilya. It's my first time na umalis ng bansa na hindi sila kasama. Pero ngayon, kailangan ko umalis at mag trabaho to make my parents proud dahil balang araw sa akin nila ipapamana ang kompanya.
.
" tener un vuelo seguro, mi hijo. (Have a safe flight, My Son.) " wika ni papa sa akin sabay tapik sa aking balikat.
" Gracias, Papa.( Thanks,Dad.) "
Si mama naman ang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.
" Mag ingat ka doon, anak. Ikumusta mo nalang kami sa tia sylvia mo. "
" Yes, ma. I will. "
Tuluyan na akong lumisan sa aming tahanan at sumakay na ng kotse papunta sa Centro Clinico San Carlos para magpalaam kay Christina. Ilang sandali ay nakarating narin ako sa lugar.
Mabigat ang aking loob na pumasok sa kanyang silid. Nadatnan ko siyang nakaratay sa hospital bed at hanggang ngayon ay wala paring malay.
Malungkot ang aking puso na nilapitan siya. Napahawak ako sa kanyang kamay at hinalik-halikan ito. Ang sakit para sa akin, dapat ay ikinasal na kami kung hindi lang sana nangyari ang aksidente na iyon na naging sanhi ng kanyang pagka comatose ngayon. Tatlong buwan na ang nakalipas ngunit nanatili parin siyang walang malay.
.
" Christina, I just want to say goodbye to you for a while. I have something important to do. Pangako, babalik ako.....babalik ako. Te amo mi querida. ( I love you, My darling) "I plant a kiss on her lips saka ko nilisan ang lugar na iyon at dumiretso na sa Barcelona Airport.
Lilisanin ko pansamantala ang bansang Espanya at pupunta sa Pilipinas para sa ekspansyon ng aming kompanya doon.
Ako kasi ang pinagkatiwalaan ng aking papa na mamahala doon pagkatapos kong magtapos sa isang Unibersidad sa Complutense University of Madrid. I am half Spanish, Half Filipino since my father is Pure Spanish and my mother is a Filipina.
.
Ako'y napabuntong hininga ng lumipad na ang eroplanong aking sinasakyan.los extrañaré a todos(I will miss you all)...... Ani ko sa isipan habang nakasilip sa bintana.
-------------------------
🇵🇭
.
Andrea Bello's POV......." Andrea!!!! Mag bayad na kayo! "
Narindi ako nang marining ang sigaw ni Aling tesa mula sa labas ng aming munting bahay.
Padabog akong lumabas at hinarap siya.
" Aling tesa, diba sabi ko sa inyo na sa susunod na linggo pa ako makakabayad sa inyo? Alam niyo naman na nasa hospital ang kapatid ko----------- "
" Problema ko ba yun?! Hoy Andrea! Wala akong pakialam. Kailangan ko ang bayad niyo ngayon dahil kung hindi mag balot balot nalang kayo!!! "
" Alam mo, wala ka talagang puso! Tang-ina ka! " Sigaw ko sa kanya sabay sabunot sa kaniyang kulot na buhok.
At yun nga, nagsimula na ang sabunutan. Hindi ko alam na lumabas na pala si Itay ng bahay at nakita niya kami ni Aling tesa na ganoon ang porma.
" Andrea, tama na--------- ahhhh... " Wika ni itay sabay napahawak sa kanyang dibdib at napaupo sa lupa.
Napatigil kami ni Aling tesa nang mapagtanto naming inaatake sa puso si Itay.

YOU ARE READING
Her Latin Lover
Romance#tagaloglovestory Andrea is a fighter woman. Who will do everything for the sake of her family. But one day, every single minute of her life were ruined as her family gradually disappearing. Money is the only chance that can save her family from dea...