❤️ Chapter 9 ❤️

338 5 0
                                    


Andrea's POV....

Kinagabihan, isang sunod sunod na doorbell ang narinig namin. Wala naman kaming inaasahan na bisita. But I decided na pagbuksan ito.

Lumabas kaagad ako ng bahay at binuksan ang maliit naming gate.

Nabigla ako nang makita ang lalaking umangkin sa akin kagabi. May dala pa itong boquet ng rosas.

" A-anong ginagawa mo dito, Sir Miguel? " nauutal kong tanong.

" Ahmmm, I just want to give you this flowers. Gusto kong mag sorry about what happened last night. Alam kong------- "

" Sir Miguel, hindi mo kailangan mag sorry. Pareho lang tayong nagkamali. Pareho tayong nagpadala sa nangyari.  "

" Ang mabuti pa------ "

" Kalimutan nalang natin ang nangyari. "

" Y-yes. Yun nga, yun nga ang gusto kong sabihin. So, take this flowers and I'll leave. "

Kinuha ko na ang bulaklak at umalis na nga siya.

So, that sex is just nothing to him?

Ano pa nga ba aasahan ko? Alam kong galit parin siya sa akin at isa pa, hindi niya naman ako ka ano-ano para maging special sa kanya ang sex na yun. 

Kaya nga tama ako, mas mabuti pa ngang kalimutan yung nangyari at ibaon sa limot. Pero ang tanong, kaya ko bang panindigan yun?

.
-----------------------

Julio's POV....

Sa isang sulok inihinto ko ang aking sasakyan. Nakita ko kasi si Miguel na may dalang mga bulaklak at ibinigay kay Andrea.

Anong ginagawa niya?

Hindi ko alam na pumupunta pala dito si Miguel. I'm just curious what is he doing here at may dala pa siyang bulaklak.

Itinikom ko ang aking kamao saka pinaharurot palayo ang aking sasakyan. Ano pa nga ba kasi ang gagawin ko dito kung may nauna na.

*******

Hinintay ko ang pag uwi ni Miguel. Naka dim light ang buong sala, dito ako sa sofa tahimik na naghihintay.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na nga ito. Paakyat na siya sa taas ng bigla kong tinawag. Gulat siyang napalingon sa akin.

" Hey, bud. "

" Saan ka nangaling? " Diretsahan kong tanong sa kanya.

" Somewhere? "

" You mean, sa bahay nina Andrea? "

Natigilan siya.

" Y-yeah... Paano mo nalaman? Nandoon ka rin? "

" Yes, mula sa malayo tanaw na tanaw kita na binigyan mo ng bulaklak si Andeng, what's the meaning of that Miguel? "

" You know what, pinutahan ko siya para mag apologize dahil may nagawa akong mali sa kanya. I gave that flowers to her as a peace offering. "

" Ano bang ginawa mo sa kanya? "

" Hindi na importante yun. Me and Andrea decided na ibaon nalang iyon sa limot. You know what, if that's your only concern, I already answered you.
ahora buenas noches(Now, good night). " tumalikod na siya.

" te gusta ella?(do you like her?) "

muli siyang humarap. But this time, naka kunot ang kaniyang noo.

" Who? that Andrea Bello? "

" Yes. "

He laugh sarcastically.  " que clase de pregunta es esa, Julio?(what kind of question is that,Julio?) No me gusta ella y nunca me gustará(I don't like her and I will never like her.) "

Her Latin LoverWhere stories live. Discover now