❤️ Chapter 2 ❤️

617 6 0
                                    


Andrea's Pov......

.
Yung nakulimbat kong beinte mil sa lalaking yun, ipinag deposit ko lang para sa bill ni Tatay sa Ospital. Kulang na kulang pa yun, kaya heto ako naglalakad sa kahabaan ng kalsada. Nag iisip kung ano ang susunod kung gagawin para magka pera na naman.

.
Napahinto ako sa tapat ng isang restaurant. Nagugutom na ako at nauuhaw, ni mismo ice tubig ay hindi ako makabili. Halos manlumo na ako sa kalsada pero buti nalang narinig ko ang isang lalaki na may kausap sa telepono dito lang sa labas ng resto.

.
" Yes, Miguel. I'm so sorry di ako makakapunta. Estoy apresurado. kailangan kong humanap ng AB blood donor asap. No puedo perder a mi mamá. Haré todo lo posible para encontrar ese donante. Kahit magkano pa ang magagastos ko, wala akong pakialam as long as ma convince ko siyang mag donate ng dugo. " Wika ng lalaki sa kausap sa telepono.

Napaisip ako bigla. Pareho sila ng mga lengwaheng ginagamit nung lalaking binudol ko. Ayst! Ewan, di ko maintindihan. Ang pagkakaalam ko, nag hahanap eto ng AB Blood donor.

.
Naalala kong type AB pala ako. What if mag benta ako ng dugo? Pwede ko yun pagkakitaan. .

*********
.
Julio Marquez POV......

.
" Sir, Naghahanap po kayo ng blood donor? "

.
Natigilan ako ng marinig iyon. I hang up the phone tsaka ako dahan dahang napalingon sa nagsalita. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Isang babaeng naka denim shorts, white sando and she's wearing a pair of pink sandals.

Siya ba ang madodonate ng dugo? Sigurado siya? Hmm, she looks healthy. She got the perfect figure. I admit she is a pretty woman.

.
" Yes,bakit? Can you help me? " tanong ko sa kanya.

.
" Type AB po ako. Nagbebenta ako ng dugo. Beinte mil ang isang bag. "

.
" Sigurado kang type AB ka? Hindi ako nagbibiro. Between life and death ang sitwasyon ngayon ng mama ko. Kaya kung nangtitrip ka lang, umalis kana lang-------- "

.
" Desperada na akong magkapera kaya kahit dugo ko, ibebenta ko nalang. Type AB nga ako kahit ipa test mo pa ako sa ospital ngayon din. "

.
Magsasayang pa ba ako ng oras? Mukhang seryoso siya.

.
" Okay sige. Come on. "

.
Inalalayan ko siya papasok sa sasakyan ko at tumuloy na nga kami sa Ospital.

************
.
Sa wakas ay successful na naabonohan ng dugo si mama. Okay na siya ngayon at nagpapa henga nalang.

Pinuntahan ko na ang room ng babaeng nag donate ng dugo. She's awake at napatingin sa akin.

.
" Kumusta pakiramdam mo? " tanong ko sa kanya nang makalapit ako.

.
" Okay lang naman ako. Pero mas magiging okay ang pakiramdam ko kung babayaran mo na ako. "

I smirk.

" Don't worry. Hindi ko makakalimutan yun. "

.
Pinilit niyang bumangon but I stop her. She needs a little rest.

.
" Wag ka munang bumangon. "

.
" Kailan pa ba ako makakalabas ng ospital? "

.
" Anytime soon. Hinihintay nalang natin ang go signal ng doktor. Matulog ka muna at mayamaya makaka uwi ka na. "

Nakinig naman siya sa akin at isang sandali pa ay nakaidlip na siya. She looks like an sleeping angel.

.
*******

Andrea's POV......

.
Nasa loob kami ng kotse niya at mayamaya ay ini-abot niya na sa akin ang dalawang sobre. Punong puno ito ng pera. Sobra sobra ang ibinayad niya sa akin.

.
" Ahm, mukhang sobra yata eto sa presyong pinag usapan natin. "

He just smiled.

" Tanggapin mo yan, bilang pasasalamat ko sa iyo. You save my mother's life and I will be forever grateful. Thank you------ "

.
" May bayad yun, Sir. Di mo na kailangan pang magpasalamat. "

.
"Kahit na. I'm still thankful. Oh siya, saan kita pwedeng ihatid? "

.
" H-huh? Ahm, hindi na Sir. Maglalakad nalang ako, malapit lang naman ang uuwian ko. "

Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ngunit naka lock ito.

.
" I insist, i will give you a ride. Hindi ka naman nakakaabala sa akin. "

" Pero Sir------- "

" Just call me, Julio. I'm Julio Marquez, ano nga ulit pangalan mo? "

.
" Andrea Bello. "

.
" Well, nice to meet you, Savior. "

.
Napaayos ako ng upo at pumayag nalang ako na ihatid niya.

.
*****

Huminto kami sa Squatter area.

Squatter Area?!! Sheyyt! Bakit dito ko naisipang magpahatid ey pinalayas na nga kami ni Aling Tesa.
.
" So, dito ka nakatira? " biglang tanong ni Julio sa akin.

" ah? Oo... Salamat sa paghatid. Sige bababa na ako----- "

.
" Wait, I will open the door for you. "

" Wag na! Nakakahiya, baka magkadumi kapa. "

.
" Andrea, Hindi ako maarte. Sanay na ako sa mga ganitong lugar, dahil sa mga outreach program na ginagawa namin. "

.
" Kahit na. Salamat nalang. Sige----- "

" Teka, here. This is my calling card. If you need help, just let me know. Wag kang magdadalawang isip na tawagan ako. Okay? "

.
I took a deep breathe saka kinuha ang calling card niya at bumaba na nga ako ng sasakyan dala ang dalawang sobra na may lamang pera.

Nakita kong umalis na ang sasakyan ni Julio. Sobra ang pasasalamat ko sa kanya. Hindi ko akalaing ganito kalaking halaga ang ibabayad niya sa akin. Malaking tulong na ito para sa mga bayarin ko sa Ospital.

.
*****

Nung sumapit ang gabi, naisipan kong magpahenga sa waiting shed na kalapit lang dito. Pagod na pagod ang katawan ko kaya di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa aking pag gising kinaumagahan ay wala na ang mga sobre na pinaglagyan ng pera. Pati ang keypad kong cellphone ay natangay rin.

.
Ang bigat ng loob ko. As in lumong lumo ako sa nangyari. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay mawawala ang pera na yun na dapat sana ay ipinandagdag ko sa mga gastusin.

Paano na? Anong gagawin ko? Paano ako ulit makaka kuha ng ganoon kalaking halaga? That was 200,000 pero hindi ko man lang napakinabangan. Jusko!

.
Ayoko na! Suko na ako! Pagod na ako sa kamalasan ng buhay. Sinumpa yata kami.

Bigla nalang ako nawalan ng malay at hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari.

Her Latin LoverWhere stories live. Discover now