❤️ Chapter 4 ❤️

466 10 0
                                    

.
Miguel's POV....

.
" Andrea, Miguel, do you know each other? " tanong ni Tia Sylvia sa amin.

.
Inis na inis akong nakatitig kay Andrea? So, Andrea pala pangalan niya.

.
" Yes, Tia. Siya yung babaeng nambudol sa akin nung isang araw. Mahigit beinte mil ang natangay niya sa akin.... ella es repugnante! "

.
Napatingin si Tia sa kanya.

" Andrea, totoo ba yung sinasabi ni Miguel? Nagawa mo yun sa kanya? "

Naging malungkot ang mukha ni Andrea, hindi ko alam kung nagpapa awa effect lang ba ang babaeng ito.

" Opo..... Nagawa ko lang naman po yun dahil desperado na akong makahanap ng pera. Kailangan na kailangan ko ng pera nung mga panahong yun para sa pamilya ko. Wala na akong ibang naisip kundi gawin yun..... Hindi ko naman akalain na siya pala yung nabiktima ko. "

" Kung kailangan mo ng pera, mag trabaho ka. Wag kang gagawa ng illegal! Ang dapat sayo turuan ng leksyon! Halika nga dadalhin kita sa presinto. " wika ko sabay hila sa kanya.

Umalma naman kaagad si Tia at si Julio.

.
" Miguel! déjala ir (let her go) ! " Sigaw ni Julio.

Nakaladkad ko na si Andrea hanggang sa may sala. Hindi ako nakinig sa kaibigan ko.

.
" ano ba! Bitiwan mo ako! Sorry na! Oo, nagkamali ako. Binudol kita. Pero nagsisisi na ako, hindi ko dapat yun ginawa sayo--------- "

" Kailangan mo paring pagbayaran ang kasalanan mo! You are wicked! Paano kaba pinalaki ng mga magulang mo? Siguro manloloko din sila kagaya mo------------- "

Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang sumalubong sa pisngi ko ang isang malutong na sampal galing sa kanya.

.
Natigilan ako. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapatitig sa kanyang galit na galit na mga mata.

Sumobra ba ako?

.
" Insultuhin mo na ako lahat, wag na wag lang ang pamilya ko! Hindi mo alam kung gaano sila kabuting tao. Kung nagkasala man ako, ginawa ko lang naman yun para sa kanila. Oo, alam kong mali, pero may magagawa pa ba ako kung sunod sunod na ang dagok na dumating sa pamilya namin?! Husgahan mo na ako, wag lang ang pamilya ko! " sigaw niya sa pagmumukha ko habang umiiyak.

.
Teka, ba't bigla akong na guilty?

.
She wiped her tears, pero nandoon parin ang lungkot sa kanyang mga mata.

" Wag kang mag alala, ibabalik ko yung pera mo! Atsaka, wag ka ring mag alala dahil hindi na ako gagawa ng illegal para lang magka pera. Pag iiponan ko yang beinte mil mo! " Wika niya saka naglakad palabas ng Mansion.

Nakita ko namang sinundan siya ni Julio sa labas. Do I have to say sorry to her about what I said to her family? Naging rude ba ako masyado?

.
------------------

.
Andrea's POV.....

Umiyak ako ulit nung makalabas ako ng gate.

Oo na mali ako sa ginawa ko sa Miguel na yun! Pero wala siyang karapatan idamay ang pamilya ko!

.
" Andrea! "

napapahid ako ng luha. Sinundan pala ako ni Julio.

" Anong ginagawa mo dito? Pumasok kana doon sa loob. Sorry nga pala dahil sa ginawa ko kay Miguel. Siguro, masamang tao na rin ang tingin mo sa akin. Siguro nagsisisi kana ngayon na tinulungan mo kami ng pamilya ko. "

Nahihiya akong tingnan siya sa mga mata. Natatakot din ako na baka dahil sa nalaman niya ay magiging masama na rin ang tingin niya sa akin.

Natigilan ako ng biglang hawakan niya ang isang kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin. Init ang hatid ng kanyang palad.

" Naiintindihan kita kung bakit mo yun ginawa kay Miguel pero deserve mo namang patawarin. Hindi ka naman masamang tao. Your single mistake don't define you. Alam kong mabuting tao ka, Andrea. You and your family deserved all the blessings that you are having now. I'm sorry sa sinabi ni Miguel tungkol sa pamilya mo. "  Wika nito.

Para akong nahimasmasan sa sinabi ni Julio. May tao pa palang naniniwala na mabuting tao ako.

I face him.

" Salamat, Julio. " I gave her a sweet smile.

" You're very much welcome, Amor. "

.
" Amor? Sino si Amor? "

Biglang natawa si Julio. 

" Ikaw yun. "

" Andrea, pangalan ko. Hindi Amor. " Inosenteng sabi ko.

Ano ba kasi yang Amor Amor na yan? Spanish na naman ba yan?

" Ihatid na nga lang kita sa inyo bago kapa mamrobla kung anong Amor yan hehe. "

.
Natawa na rin ako. At pumayag akong ihatid niya ako sa bahay kasi gabi narin at hindi niya rin naman ako papayagan na uuwi mag isa.

-------------------

.
Miguel's POV......

Pinuntahan ako dito ni Julio sa may terrace. Alam kong may sasabihin siya sa akin at tungkol iyon sa babaeng yun.

" Miguel, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Ako na ang humihingi sayo ng pabor, tungkol sana sa trabaho ni Andrea. I know it's hard for you right now to forgive her, but sooner or later mapapatawad mo rin siya. por favor dale una oportunidad (please give her a chance) "

.
Inilapag ko ang kupita na may lamang alak sa mesa. I look at him in the eyes. Seryoso si Julio sa kanyang hinihiling.

Ganoon na ba talaga ka importante sa kanya ang magka trabaho si Andrea?

Hmmm, I smell something fishy of that woman. Parang hinuhuthutan niya ang kaibigan ko. Expondré tu verdadero color, Andrea. (I will expose your true color, Andrea)

Tumingin ako sa baba kung saan natatanaw ko ang malaking swimming pool.

" Pag iisipan ko, Julio. Pag iisipan ko pa kung iha-hire ko siya bilang personal assistant ko. Sabes a lo que me refiero (you know what I mean). "

.
" Estoy esperando una buena noticia mi amigo (I'm expecting a good news, My Friend). See you around. " wika ni Julio saka umalis.

Her Latin LoverWhere stories live. Discover now