❤️ Chapter 11 ❤️

322 8 0
                                    

He had me when he woke up. Halos buong magdamag at araw araw akong nakabantay kay Miguel. Buti nalang talaga at minor injury lang ang natamo niya sa aksidente. Naka benda ngayon ang kanyang kaliwang braso.

Ako ang nag aalaga sa kanya, I never leave him since that day. I was so worried about him.

Dumating din yung araw na naka uwi na siya ng bahay at doon nagpapahenga. Pero medyo makulit at matigas ang ulo ng lolo niyo at gusto talaga bumalik sa trabaho kahit hindi pa masyadong nakaka recover.
Pero of course, andito ako palagi naka alalay sa kanya.
.

Isang araw, para siyang problemado habang nakatanaw sa isang folder. Hindi ako nakatiis at nilapitan siya.

" Miguel, ayos ka lang ba? Parang ang lalim yata ng iniisip mo. "

He sigh.

" Kinakabahan lang kasi ako sa meeting ko sa isang big investor sa kompanya. He is very important, I needed him badly... Kailangan ko siyang mapa Oo sa proposal project ko. "

" Miguel, ikaw pa ba? Ang galing mo kaya. I know, mapapa Oo mo din ang investor na yan. "

Sabi ko sa kanya, pampalubag loob.

" I hope too, Andrea. "

.
" Aja? "

" Aja! "

" Kailan ba yang meeting niyo? "

*********

Later that afternoon,

Minet-up namin si Mr. Lopez sa isang restaurant. Si Miguel lang ang nakipag usap dito, habang ako ay naka upo sa kabilang mesa at umiinom ng juice. Pa simple ko silang pinagmamasdan.

Napansin kong parang hindi nakumbinsi ni Miguel si Mr. Lopez. Bigla akong nag aalala, alam ko kung gaano ka importante ang investor na ito para sa kompanya. Di na ako nakatiis, kaya ayun tumayo ako at lumapit sa mesa nila.

****
Miguel's POV...

.
" Excuse me, "

Nagtaka ako kung bakit lumapit sa akin si Andrea at biglang bumulong sa akin.

" Miguel, pwede bang ako muna ang makipag usap kay Mr. Lopez? May sasabihin lang ako sa kanya. "

" Pero------ "

" Sige na, ako na ang bahala. "

I did what she said at tumungo ako sa mesa na inupu.an niya kanina. Ako naman ngayon ang nakamasid sa kanila.

All smile si Andrea na nakikipag usap kay Mr. Lopez, confident na confident siya na waring alam na alam niya ang ginagawa. I was just wondering kung ano ang mga pinagsasabi niya at pansin kong natatawa at pa tango tango pa si Mr. Lopez.

And just after a couple of minutes ay nakita ko nalang sila na biglang nag handshake. Like they made a deal.

Lumapit na ako. And Mr. Lopez gives me a big smile at nakipag handshake din siya sa akin kahit wala akong ka ideya-ideya sa nangyayari.

" Uhmmm, "

" I'm considering your proposal now, Mr. Rodriguez. By monday, I'm going to your office to have our official meeting and signing of the papers. "

" Ahhhh----- "

" Just be thankful to your lovely girlfriend, nakumbinse niya ako. You two are perfect couple for the business. Wag na wag mo siyang pakakawalan. "

Hindi parin ako makapag salita. Hindi pa kasi nag sisink-in sa utak ko ang mga pinagsasabi niya pero all I know lahat ng yun ay positibo.

" Oh sya mauna na ako sa inyo. By the way, don't forget to bring your partner at the meeting. See you both of you in Monday, Mr. Rodriguez. " Nakangiting wika nito.

Her Latin LoverWhere stories live. Discover now