❤️ Chapter 5 ❤️

440 7 0
                                    


Andrea's POV......

.
" Andeng! May naghahanap sayo. Boss mo raw. "

Narinig kong sigaw ni Kakai mula sa sala. Napakunot noo ako.

Teka, kailan pa ako nagkaroon ng Boss?

Dahil sa kuryosidad ko ay dali akong bumangon ng kama at nag bihis pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.

Pagkababa ko sa sala ay saktong nagtama ang aming mga mata ni........

Miguel.

" A-anong ginagawa mo dito? Bakit ka nagpunta dito? Anong kailangan mo------ "

" Ganyan ka ba bumati sa Boss mo, Ms. Bello? " anito habang nakataas ang isang kilay.

" Anong boss pinagsasabi mo? FYI hindi na ako tutuloy sa pagiging personal assistant mo! "

" But Julio ask me a favor. Gustong gusto ka niyang tulungan that's why I hired you now as my personal assistant. "

" Ayoko------ "

" Pero kung ayaw mong tanggapin ang trabaho ay para mo na ring sinayang ang sincere effort ni Julio para humingi sa akin ng pabor. I'm doing this for my bestfriend. "

.
Napaisip ako saglit at napabuntong hiningang tumingin sa kanya.

Ayokong ma disappoint sakin si Julio pag tinanggihan ko ang trabaho na to.

" Okay, Sige. Tinatanggap ko na ang trabaho. "

Tumayo na si Miguel at lumapit sa akin.

" Then were settle! I'll see you tomorrow at Marquez's Mansion, Ms. Bello. Better not to be late coz I will not accepting any excuses from you. " anito saka lumabas sa apartment namin.

.

Augghhhh!!! Nakakainis ang pagka hambog ng lalaking yun! Nakakagigil! Ang sarap niyang tiradorin sa ulo!

Hindi ako naniniwalang ng dahil lang sa paghingi ni Julio sayo ng pabor kaya mo ako tinanggap sa trabaho. Alam kong galit kapa sa akin kaya nase-sense kong may binabalak ka.

Pwes! Hindi kita uurungan! Tingnan natin kung sino ang mas matigas sa ating dalawa, Miguel.

.
------------------

.
Ilang beses akong nag doorbell sa may gate ng Mansion ng mga Marquez bago ako pinagbuksan.

Di ko inaakalang si Miguel ang magbubukas ng gate. He's only wearing a white shirt na fit na fit sa athletic niyang pangangatawan at shorts habang naka tsinelas.
.
Napatitig siya sa akin.

" Good morning, Andrea. On time ka ah, very good. "

" Syempre. Marunong ako sumipot sa oras na pinag usapan. " Mataray kong sagot.

" Then, come on. Sumunod ka sa akin. I will discuss to you some rules and regulations. Bago mo simulan ang trabaho mo. "

.
Sumunod nga ako sa kanya papasok sa loob ng bahay. Tahimik sa loob, sabi niya nasa loob daw ng kwarto si Tita Sylvia habang si Julio ay may importanteng nilakad.

Dumiretso kami sa library area. Nakita ko ang isang puting folder na nakalatag sa mesa. Umupo na kami sa magkabilang dulo ng mesa saka niya kinuha ang folder.

.
" Miss Bello, about your salary. It cost 15,000 a month at makukuha mo yun kada huling araw ng buwan. " Binuklat niya na ang folder. " So, this is the rules you must follow habang nag tatrabaho kapa para sa kin. Number 1, you should do your job properly. Whatever job I ask for you, do it with no complain. Number 2, 100 mistake is enough to fired you immediately. Number 3 and last, you should not get involve to my personal life. Trabaho, trabaho lang. Wag mong pahimasukan ang personal kong buhay. That's it! Naiintindihan mo ba ako, Miss Bello? If you agree, then sign it. "
.

Her Latin LoverWhere stories live. Discover now