❤️ Chapter 3 ❤️

486 9 0
                                    


Andrea's POV......

.
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Nang ilibot ko ang aking paningin napagtanto kong nasa ospital pala ako. May dextrose pa na nakakabit sa akin.

.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Julio.

.
" Gising kana pala. " anito nang makalapit sa akin.

.
" P-paano ako napunta dito? Anong nangyari? Panong nandito ka? " Sunod sunod kong tanong sa kanya.

.
" I was passing by at your place when i suddenly saw you at the waiting shed na walang malay. Nag alala ako sayo kaya dinala na kita sa ospital. "

.
Napaiyak ako ng maalala ko yung nangyaring kamalasan sa akin.

Hindi ko inaasahang dadampi ang isang kamay niya sa balikat ko.

" Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? "

.
" Yung pera.... Tinangay ng mga kawatan habang natutulog ako. "

.
" Ano?! You mean buong magdamag kang natulog sa waiting shed? Bakit? "

.
" Ang totoo kasi, pinalayas na kami sa tinitirhan namin doon. Wala na kaming mauuwian. " patuloy parin ako sa paghikbi.

" Hmmm-------- " 

.
" Si Itay! " Napalingon ako sa kanya. " Julio, kailangan ko ng pumunta sa ospital. Baka ano nang nangyari sa kanila. "

.
" Pero kailangan mo pang magpahinga. "

" Okay na ako. Malakas na ako. Kailangan ko ng umalis dito. Please. "

" Okay, I will tell the doctor to discharge you asap. Wait me here, sasamahan kita. "

" Sige. "

-******
.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nakarating narin kami sa San Pablo Hospital.

Nadatnan ko si Kakai na balisa sa may entrance ng Ospital. Parang nabuhayan siya ng loob ng makita ako.

.
" Andeng!!!! Kahapon pa kita inaantay. Bakit ngayon ka lang?? Namomroblema na ako, kailangan nang bigyan ng gamot si tatay Renzo pero wala tayong pambili ng gamot. " Bungad nito sa akin.

.
" What happened? " biglang sabat ni Julio.

Napatingin si Kakai sa kanya.

" Sino ka? "

.
" I'm a friend of Andrea. I heard kailangan ng dapatan ng gamot ang tatay niya? "

"Oo, pero walang wala kami. Hindi namin alam kung saan kami kukuha ng pera. Ikaw, mukhang mayaman ka naman ah, pwede bang pautang muna? "

Tangena to si kakai ah! Feeling close lang?

Kinurot ko siya sa gilid sabay bulong. " Hoi, nakakahiya ka! "

Pero di siya nakinig sa akin. Nasa kay Julio parin ang atensyon niya.

" Sure, I can help. Pwede bang samahan mo ako sa loob? "

" Sige. " Wika ni Kakai at dali daling sinamahan sa loob si Julio.

*******

.
Binayaran lahat ni Julio ang bill namin sa hospital, pati mga gamot nina tatay at pia sinagot niya lahat. Nailipat pa niya si Itay at Pia sa isang private room. Hindi na kami makikipag siksikan pa doon sa ward.

.
Hindi pa doon nagtatapos ang pagtulong niya sa amin. Binilhan niya ng mga kakailanganin si Baby Mia. Mula sa gatas, diapers at iba pa.

Binigyan pa niya kami ng unit sa isang subdivision, kaya nung na discharge na si Itay ay doon na kami umuwi. Pati lahat ng utang namin ay binayaran niya. Pati sa patuloy na pag chechemotherapy ni Pia ay siya parin ang gumagastos.

Her Latin LoverWhere stories live. Discover now