Prologue

226 2 0
                                    

Tumili si Fiolina ng kaniyang makita ang kaniyang kaibigan "Hintay lang Bhestie" nag-uumapaw sa pagod si Fiolina kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagka pagod dahil sa haba ng tinakbo.

"Andito kana pala Bhestie!" sagot ng kaniyang kaibigan na bigla siyang niyakap at inakbayan.

"So, kamusta ang araw ni Miss Rank One? Hehehe" birong sabi nito kay Fiolina.

"Ito malakas pa sa may sakit" pabiro nito sa kaniyang kaibigan.

Pagdating sa dulo sa may canteen naka bungad ang kanilang isa pang kaibigan na lalaki

"uy, Fiolina kamusta hindi kana nilalagnat?" tanong nito sa kaniya na marahang kinuha ang kaniyang bag at binitbit nito.Tugon ni naman ni Fiolina.

"Okay na okay ako mga Tsong! Talo ko pa ang mga sakitin noh" sabay tawa niya.

"Kaya pala hindi ka nakapasok ng tatlong araw dahil, talo mo pa ang mga sakitin" pabirong sabi ng kaibigan niyang lalake.

Nagtawanan sila ng magtagal ng bigla namang tumunog na ang bell ng kanilang eskwelahan.

Pagkatapos ng eskwela nagsi-uwian na lahat ng mga kaklase nila dahil sa lahat ng magkakaklase siya lang ang hindi sinusundo dahil ayaw niyang isturbuhin ang kaniyang Ama ata Ina. Sumasakay lang siya sa bus dahil malayo pa ang kaniyang bahay sa kaniyang eskwelahan. Dahil sa tagal umandar ng bus bumaba ulit si Fiolina para bumili ng pagkain para hanggang umaandar ang bus ay kumakain siya. Iniwan din niya ang mga gamit niya sa bus para hindi siya iwanan.

Sa hindi inaasahang pangyayari naiwan siya ng bus. Takbo siya ng takbo dahil ang kaniyang gamit ay nasa loob ng bus tumigil siya ng takbo. At isa lang ang kaniyang sinabi.

"Ang malas naman! may assignment pa naman akong gagawin tapos yung sulat ko sa crush ko andun din. Paano ko itutuloy yun? Paano yung favorite ballpen ko? paano yung Diary ko? Naku! lagot ako ne'to" sising-sisi niya sa kaniyang sarili habang kamot sa kaniyang ulo at sumabay na rin ang tulo ng kaniyang luha sa dalawang mata.

At sa bandang malayo may papalapit sa kaniyang estranghero at tumigil sa kaniyang harapan na naghihingal

"Miss, gamit mo ata ito" sabay turo sa kaniyang hawak habang naka hawak sa bag.

Natuwa si Fiolina ng makita ang kaniyang bag at chineck niya ito at pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Salamat!" sabi niya sa estrangherong lalaki na may pangiti pang nakatawa.

"Sa susunod kasi, wag nang mag-iiwan ng gamit sa bus, huh!" pa asar na sabi nito. Walang nagawa si Fiolina dahil hindi na siya makakauwi ng maaga mga 5:30 na ng hapon at mag gagabi na rin dahil ang bus na yun lang ang last na sasakyan para sa direction ng kaniyang bahay.

"Miss, kung gusto mo. Sabay nalang tayo total, hindi na rin naman ako naka sakay dahil sayo" pangsisi nito kay Fiolina. Tumango nalang si Fiolina dahil pagod na pagod na siya.

Naglakad ang dalawa at sa sobrang pagod ng nararamdaman ni Fiolina ay napaupo siya sa sahig ng daan. Wala siyang pakialam dahil hindi naman siya pinapansin ng estranghero.Tumigil ang estranghero sa harap niya.

"Ano? Titigil kana agad? ang hina mo naman!" sabay tawa sa kaniya nito. Ngunit hindi natuwa si Fiolina tinanong niya ito.

"So, let me ask you something. Ano palang pangalan mo? Saan ka nag-aaral? Katulad din ba kita na naiwan ang gamit sa bus?" tanong nito sa estranghero.

Sa dami ng tanong nito nagalit ang estranghero at pinatayo si Fiolina.

"Uy, tayo! Bakit ba ang dami mong tanong? Eh hindi naman kita kilala baka naman gusto mong malaman dahil gusto mo ako?" pang-asar pa nito kay Fiolina. At dahil sa sinabi ng estranghero napuno ng galit ang isip ni Fiolina noong oras na iyun.

"Ano ba naman tao ito oh! Nagtatanong na nga ng maayos kailagan pang mang-asar!!!" sabi niya sa kaniyang sarili.

"Okay, Mr. Antipatiko! Salamat dahil kinuha mo yung bag ko sa bus. Pero sorry naman di ba?! tao po ako kaya kailangan kung magtanong!" pataas na tuno ng boses ni Fiolina. Dahil sa sobrang galit naglakad si Fiolina mag-isa at iniwan ang estranghero.

"Your Welcome Miss!" pasigaw na sabi ng estranghero sa kaniya habang kumakaway kay Fiolina.

Miss Rank TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon