(NewClassmate/NewBully)

126 3 0
                                    

Fiolina's POV

Ang ganda ng gising ko ngayon. Napanaginipan ko yun crush ko na muntikan na kaming magdikit kaso nagising ako. Atleast napanaginipan ko siya. Tumawag sa akin ang ate ko uuwi sila next week. Nasa Baguio kasi sila nag-aaral kaya medyo malayo. Minsan walang signal minsan naman malakas ang signal kasi nasa school sila. Bakit kasi sa dinami rami ng School sa Baguio pa sila nag exam pero masaya naman ako kasi nakapasa sila. Makababa na nga ng kwarto total nakabihis na ako at maaga pa kakain na muna ako. Pagbungad ko palang sa hagdanan nakita ko si Papa umiinom ng kape at si Mama nagluluto. Si papa ay isang karate master kaya medyo may pinag manahan ako. Haban si Mama naman magaling kumunta kaya nga nainlove si Papa eh. Pero dahil kailangan nilang magtrabaho itinigil nila yun para sa amin.

"Good Morning Pa, Ma!" Pagbati ko sa kanila.

"Naku! anong sinasabi ni Susan na nalate ka daw?" sabi ni Mama na nagsesermon.

Nakuuuuuu!! itong si Susan kahit kailan ang daldal niya mas bagay ata sa kaniya yung tinatawag niya sa aking Miss Kutaba.

Ano pa bang isasagot ko eh alam na ni Mama dahil magka workmate din ang Mama ko at Mama ni Susan.

"Honey, wag mo ng sermunan yang si little Yundi natin. Baka ma zero yan sa test niya sige ka" pabirong sabi ni Papa kay Mama na may patango pa sa akin.

"Naku! kayo talagang mag-ama ang magkasundo!" sagot ni Mama ng masaya.

"Ma! Pa! uuwi po pala sila Ate sa susunod na linggo?" banggit ko na nagtatanong na kunwari hindi ko pa alam habang kumakain.

"Oo, anak pero. Baka hindi na sila matuloy kasi--- alam mo na madami silang pinag-aaralan dun. At kailangan pa nilang mag-aral ng mabuti para makapag trabaho sila abroad" sabi ni Mama na naghahain ng pagkain ni Papa.

Nalungkot ako ng narinig yun nakita ni Papa yung lungkot ng mukha ko. Dahil malalayo na naman ako sa mga Ate's ko.

"Wag kang mag-alala little Yundi! Uuwi yung mga yun" sabay hawak ni Papa sa ulo ko.

Tumango nalang ako at tumayo na si Papa sa pagkaka upo niya papuntang kwarto para kunin ang gamit niya.

"Anak, anong oras na ba? baka ma-late ka na naman. Manang Yolie--- yung baon ni FI?" tanong ni Mama kay Manang Yolie at sa akin.

Oo nga pala baka ma-late na naman ako.

"Oh FI! sasama ako sayo sa paghatid sayo para maipitan kita" sabi ni Manang Yolie na may hawak na brush sa buhok.

Brush..

Brush..

Brush..

"Manang Yolie, wag na po. Okay na po ako" sabi ko habang hawak ang aking buhok.

At hindi pumayag si Manang Yolie kaya habang nasa sasakyan kami nagpapa tugtog ako.

You shout it out

But I can't hear a word you say

I'm talking loud not saying much

I'm criticized but all your bullets ricochet

You shoot me down, but I get up. .

Fiolina's POV

Hindi ko na malayan na nasa tapat na pala kami ng gate ng school. Andito na rin sila Khloe at Bryan sa gate hinihintay ako kaya pagbukas palang ng pintuan ng kotse naka bungad na agad sila sa harap ng dadaanan ko.

Bumaba na ako ng kotse.

Hakbang..

Hakbang..

Miss Rank TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon