Fiolina's POV
Nagtext ulit yung 0907.. Sisirain daw niya yung desk ko kaya naman agad kaming pumunta sa room.Sabi naman ni Bhestie may plano siya. Kaya naman andito kaming dalawa sa CR ng room namin.
Ewan ko ba kung bakit sa CR pa naisipan ni Bhestie na magplano.
→_→→_→→_→...
....←_←←_←←_←
Anong ginagawa niya. Para siyang timang. Plano ito para kay 0907... eh.. bakit parang spy kami.
•﹏•
Nawe-weirduhan na tuloy ako sa kaniya.
"Ganito ang plano.." yung bulong bang parang uubusan ng hininga.
"Ano ngang plano?!" sabi ko ng pasigaw.
Naiinis na kasi ako. Bumubulong pa siya kaharap naman niya ako.
SSSSHHHHHH...
Mala- agent ang dating ng pag sitsit sa akin ni Bhestie.
"Wag kang maingay Bhestie!" at nanggagalaiting sagot niya.
Sige na nga. Titigil na ako.
"AnoOoong plaaaaanoooo.....?" bulong ko sa kaniya ng nauubusan ng hininga.
At tumawa naman siya.
T_T
Adik talaga itong si Bhestie.
"Diyan kana nga lang Bhestie. Niloloko mo ata ako eh..."
At hinila naman ako ni Bhestie.
"Dito ka lang Bhestie. May hinala akong si Christian yang nagtetext sayo."
O_o
Uhmmp...
Hindi naman siguro. Pero... pwede na rin siguro siya lang naman ang nang-aasar sa akin dito.
"Hinala palang ito Bhestie ha. Ito ang plano ko. Itry mong i-contact then pag may nag ring dito sa room. Ibig sabihin sa kaniya yun. OKAY ba yun?"
Wow! nice idea Bhestie. Sige... pero..
"Bhestie, papaasa ng 15 pesos. plsss.."
>_
"Ha ha ha. Joke lang."
Totoong wala akong load. Mag smart alert nalang ako. Libre pa yun ng 5 text. Yun nga lang utang pa sa smart. Okay na yun , basta may makuha lang akong information kung sino itong loko-loko na ito.
"Ano Bhestie, OKAY NA?" bulong niya ulit.
"Oo" gumaya nalang ako.
Oo dahil andito na yung libreng text na utang ko sa Smart.
"Tara na"
Lumabas na kami ng CR.
O_o O_o
Wag ka face lang namin yan ni Bhestie na nagulat.
Paano ba naman. Yung mga classmates ko naka dikit sa pader ng CR. Siguro nakikinig itong mga ito.
HUMP!! mga chismosa!!
Tumabi muna si Khloe sa akin dahil absent si Bryan.
Habang wala pa si Mrs. Guerrero sinamantala na namin ang pag survey. Kung sino man itong 0907 na ito.
"Paano yan Bhestie. Ang daming nagce-cellphone? Atsaka yung hinihinalaan ko mukhang hindi siya yun. Paano na yan!! " sabi ni Khloe na nangulumbaba nalang.
 ̄︿ ̄
"Ano ka ba naman Bhestie! wag kang tumingin sa likod baka malaman niyang may hinahanap tayo." sabay pigil sa akin ni Khloe.
Mukha ngang naiilang siya. Bakit mo pa kasi siya tinitingnan Fiolina!!!
>_
Yan tuloy, kinindatan ka na naman.
"Kinindatan ka niya!!!" at kinurot ni Khloe ang braso ko.
"Aray Bhestie!!"
"Sorry.. Sorry.. ang sweet niyo lang kasing tingnan. Pero, hula ko hindi siya yung nagtetext sayo. Sure akong si Bryan yan."
Sabi mo si Christian tapos ngayon si Bryan. Ano ba talaga?
>_
Bakit ganun... parang excited pa 'kong makilala siya. Kaysa sa makilala siya at gugulpihin.
Ewan ko ba. Parang kilala ko na siya pero sa loob-loob ko mali ata.
"Try mo Bhestie!"
"Sige. Anong sasabihin ko?"
HA HA HA wala eh.. name-mental block ako eh.
"Ako na nga lang."
At kinuha naman niya ang cellphone ko. Di ba hindi niya alam gamitin ang cellphone ko. Bakit parang siya pa ang mas marunong ngayon sa akin.
"Bhestie, tumingin ka sa likod ako sa harap. OKAY?!"
"Sige"
"5,4,3, Go!"
"PANGET! BABOY! BABOY!" message sent
"Bhestie, wala eh.." bulong ko sa kaniya.
Ayoko na ngang tumingin dito sa likod. Naiirita lang ako sa pagmumukha ng lalaking ito.
HUMP!!!
Khloe's POV
Mukhang hindi na mahahanap ni Bhestie itong 0907.Gusto ko sanang itext si Bryan kaso... parang nau- awkward ako.
Siguro ako ng bahala mamaya at ako na rin ang bahala sa paghahanap sa taong yun. Kung sino man siya.
Andito na rin kasi si Mrs. Guerrero. Lumapit naman si Bhestie dahil nagdala siya ng excuse letter.
Naghihinala pa rin talaga akong si Christian itong loko-lokong nagtetext kay Bhestie eh.
Makausap nga si Leo ng makakuha ng info.
"Psst----" bulong ko sa kaniya na nasa harap lang ng upuan ko.
"Why?"
Why? English?
"Can I ask something?"
Kala mo English din yan.
"Ano yun?" sabi niya.
WAHAHAHA magtatagalog ka rin pala. Kala ko taga ibang bansa kana Tsong eh..
"Kamusta si Mr. Lim?"
Kunwari concern.
"Si Christian? Nitong mga araw.... palagi yang umuuwi ng maaga hindi na nga sumasali sa play ng badminton. At hindi na rin mahilig mag malling. Namiss ko tuloy yung panlilibre niya sa amin sa Starbucks. TSK! sayang nga lang busy siguro sa business nila."
Kahina-hinala!
Kahit kailan maaasahan ka talaga sa kadaldalan Leo. Ngayon pa man iimbestigahan ko pa rin si Christian.
BINABASA MO ANG
Miss Rank TWO
Fiksi RemajaIto ay story ni Fiolina Yundi. Isa sa pinaka matalino sa campus. Ano pang hahanapin sa kaniya mabait siya/maganda/friendly/maalalahanin. Yun nga lang maingay. Then suddenly, may isang lalaking transferee na ayaw magpatalo. Gagawin niya lahat para la...