"It will never be a goodbye but see you again, Enjoy your vacation mga anak!" Pagpapaalam ni Ma'am Alonzo sa amin, siya ang pinaka naging kaclose naming adviser sa lahat dahil walang duda na 100% ang laging suporta niya sa aming mga estudyante niya na tinuring niya na ding mga anak niya kaya inaamin ko na nalulungkot ako na tapos na ang school year namin.
"Thank you and see you again Ma'am Alonzo! Mamimiss po namin kayo! We love you po!" Pagbati naming lahat, ang iba ay naiiyak kaya pumunta kami kay Ma'am Alonzo para yakapin siya at kahit naiipit na ngumiti at sinubukan niya din kaming yakapin
Kung ang mga kaklase ko ay abot tenga na ang mga ngiti at nag uunahan pang lumabas sa classroom, ako naman ay tila tamad na tamad at walang makitang masayang emosyon sa mukha pero napangiwi ako ng biglang may humatak sa buhok ko at hinampas ako
"Oh my Sunnie! sinasayang mo ang kagandahan mo sa true lang! wag kang bumusangot dyan at can you make it faster? I badly wanna go home na!" Inirapan ko na lang ng pabiro at tinalikuran ang best friend ko na si Amara "Tse! akala mo naman sa bahay niyo ikaw uuwi eh sasama ka lang naman sa akin sa bahay napaka demanding naman po!" Imbes na mainis ay tinawanan niya lang ako, siya lang ata talaga ang tanging nakakaintindi sa ugali kong pabago bago kaya love ko to eh.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dali dali akong hinatak ni Amara palabas sa classroom namin, masaya siyang tumatalon talon at nag hu-humming pa pero bigla kaming napasimangot ng may humarang sa dadaanan namin. "Sunnie, mag usap naman tayo oh, ayoko... ayoko na ng ganito"
Same. Ayoko na din ng ganito. Ayoko na sayo.
"Gosh! I know my sissybabe is gorgie but please Eisen stop doing this, stop bothering her, because as far as I know you both ended up already" umirap pa si Amara kay Eisen pero binalewala lang ng mokong "Please pag usapan naman natin to, di naman pwedeng tapos na agad ayusin natin to... gusto pa kita" bahagya pa akong natawa sa sinabi ng ex kong napaka shit ng ugali
"Oh talaga ba Eisen? Gusto mo pa ako? Tsk! Hoy nasasabi mo lang yan kasi wala ng susunod sunod sayo! Handang magpaka alalay mo! in short wala ka ng P.A.! Oo Eisen gusto mo lang ako pero di mo 'ko mahal!" Hinatak ko na si Amara paalis pero hinawakan pa ako ni Eisen sa palapulsuhan ko para pigilan, masama ko siyang tinignan at pilit na kumakalas sa hawak niya
"Bitaw na, wala na akong balak magpakatanga, di na ako babalik sayo"
Never... because I don't settle myself for less and stay to those people who don't see my worth.
Pagkalabas namin ay saktong pumarada ang sasakyan namin sa harap ng gate ng school, tumakbo naman kaagad si Amara na akala mo siya talaga ang sinusundo "Hello Titamom! It's your pretty adopted daughter Amara! I'll coming with you po since last day na po ng school I want to spend more time with our Sunnie" nagbeso naman sila kaagad ni Mama at tuwang tuwa ang dalawa, hanggang sa napabaling ang atensyon ni Mama sa akin
"Sunnie what happened? You must be happy dahil bakasyon niyo na di ba? Bakit parang ang sama ng loob mo?" Pagtatanong ni Mama sa akin "Titamom, may nakasalubong po kasi talaga kami na nakakasama ng loob but it's okay now and knowing Sunnie di naman po talaga yan natutuwa tuwing summer, ewan ko ba dyan ang saya kaya! di marunong mag appreciate ng blessings" nag flip pa ng hair ang gaga kaya hinila ko na lang ang buhok niya bilang ganti.
Hindi naging tahimik ang biyahe namin dahil ubod ng daldal ni Amara na kinakatuwa naman ni Mama, hanggang pagdating sa bahay ay tuloy tuloy ang talak nitong si Amara di ka napapagod sis? "Wow spend time daw kasama ako pero parang si Mama talaga ang sadya mo, ganyan ka ba kabonding? Ayoko na ata" pagbibiro ko sa kanya kaya nag peace sign siya sa akin.
Agad naman kaming nagpaalam kay Mama na sa kwarto ko muna kami tatambay at tatawagin na lang pag kakain na.
"Bakit ba kasi ayaw mo ng summer vacay? Ano bang ginawa sayo? Masaya naman ah" pagtatanong ni Amara na sitting pretty na sa beige couch ko "Duh, ang init init kaya tapos ang dami pang pinupuntahan na sakto pa na adventurous tong si Mama kaya kung saan-saan kami napapadpad na lugar at alam mo naman na ayoko sa crowded places,maraming tao ayoko talaga" di talaga ako sanay na makihalobilo sa ibang tao, pag di kita gusto lalayo ako pero kung okay ka naman papansin kita pero saglit lang at least di snobber!
"Buti naging friend kita no kahit ang cold mong tignan? Well I'm glad to be your friend but sissybabe try to interact with other people. You or other people might not see it but you're fun to be with naman so at least try, okay?" Tumango na lang ako sa kanya at nagbihis na ng pambahay na damit.
Nanonood kami ng K-drama ng may kumatok sa pinto ko "Sunnie anak, tara kain na tayo naghahanda na ang Mama mo sa baba" tumango at ngumiti naman ako kay Papa habang todo kaway naman si Amara na ikinatawa ni Papa "Hello po Titodad, Amara here! hehe" nag ayos muna ako ng gamit ko at nagtali ng buhok bago kami bumaba
Tinutulungan na ngayon ni Papa na maghain si Mama kaya kumuha na ako ng tubig sa ref "This is the reason why I love to eat here sa amoy at tingin pa lang busog ka na agad" pambobola ni Amara na nauna ng umupo sa dining area "Maupo ka na din Sunnie ng masimulan na" nag pray muna kami bago kakain, nagpigil pa ako ng tawa dahil pakuha na sana si Amara ng kanin pero napansin niyang nagdadasal kami kaya yumuko na lang din siya.
Napuno ng kwentuhan at tawanan ang dinner namin because of Amara's presence this girl really never fail to make people around her happy, she always make my day better when I still don't know her I don't smile to anyone and everything is just so dull kaya nung sinabi niya sa akin na maging mag friends kami kahit nagtataka pa ako nun tumango na lang ako sa kanya well I don't regret being friends with her she's just too precious to me, I hope that she's also grateful to have me as her friend because knowing her she needs someone who can make her feel she's important. That's she exists...
"Speaking of vacation, Amara do you want to go with us in Cebu? We will spend our vacation there" pagsasabi ni Mama sa plano niya na nagpabago sa emosyon ni Amara "Even I badly want to Titamom I can't, may pupuntahan din po kasi sila Mommy sinasama niya po ako and you know naman po that I can't say no to her... So next time na lang po but thank you po for the invite" pilit na ngiti ng kaibigan ko sa amin "It's okay I understand sweetie sayang lang kasi for sure mag eenjoy ka dun at di maboboring ang Sunnie ko pag kasama ka" pagsagot ni Mama sabay hawak sa kamay ko
Hinaplos naman kaagad ni Amara ang ulo ko at niyakap ako ng mahigpit "Awwee! Sissybabe even we will be apart for two months promise me to enjoy your vacay okay? All I want for you is to appreciate that summer isn't that bad it will make you happy too"
Ngumiti na lang ako kay Amara kahit alam ko sa sarili ko na di ko talaga magugustuhan ang summer... Never... I don't see any reason I would like Summer...

YOU ARE READING
Spell of Summer
RomanceEven she had a bright name Sunnie doesn't like summer because for her it's just a normal yet tiring month but not until she met the guy who will make her want the summer not to end... Welcome to my second story I hope you enjoy! happy reading everyo...