“Mahal mo ba siya?” tanong sa akin ni Papa na ikinagulat ko.
“Po?” Magalang na tanong ko sa kanya.
“Mahal mo ba ang Travis na iyon, anak?” Mas malinaw na tanong sa akin ni Papa habang kumakain kami ng tanghalian nila Mama bago sila umalis pabalik ng Laguna.
Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong na iyon. Mahal ko ba si Travis? Ang lalaking halos araw-araw kong kaaway sa lahat ng bagay? Pero paanong mangyayari ‘yon eh wala naman kaming ginawa kung hindi magtalo. Napabuntong-hininga ako at ngumiti kay Papa.
“Hindi ko alam, Papa. Pero kasi, hindi ko pa nararamdaman yun mainlove. Hindi ako sigurado, Pa at Ma. Nahihirapan ako kasi alam niyo po, yung fiance niya niloloko lang siya pero wala akong magawa.” At tumulo ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ko rin alam. Bakit ba ako naiyak?
Hinawakan ni Papa ang kamay ko, “Anak, nakita ko ang tingin niyo sa isa’t isa. Maaring hindi iyon katulad nang lumalabas sa mga bibig niyo,” ngumiti siya sa akin at nagpatuloy, “Nakita ko ang tingin ko dati sa Mama mo. Anak, sa mga mata niyo ko nakita iyon.”
Kumunot ang noo ko sa sinabing niyang iyon. Ano daw? Mga tingin ni Papa kay Mama? Now that’s beyond impossible. Hindi naman tinitingnan ni Papa si Mama na parang gusto na niya itong kainin ng buhay. Iyon lang naman ang nakikita kong tingin ni Travis sa akin. Besides, I doub’t that he would believe me kapag sinabi kong niloloko lang siya ni Christine. Sobrang minamahal ni Travis si Christine at alam kong mahirap iyong putulin kahit pa nagsasabi ako ng totoo.
“Pa, siguro itatago ko muna kung ano man ‘to. Ayokong makasira ng relasyon. At tsaka problema nila ‘yon kaya ayokong makigulo.” Sagot ko naman kay Papa.
Tumango naman si Papa at tinapos na namin ang pagkain. “Naiintindihan ko. Pero alam mo na ayos na sa amin ng Mama mo na magpaligaw ka. Malaki ka na, Freia at alam ko namang hindi mo kami pababayaan.”
“Tama iyon, anak. Ang sarili mo naman ang asikasuhin mo.” Dagdag pa ni Mama.
Sana nga ganon lang kadali ang lahat.
~~
Pagkatapos ng tanghalian ay tumuloy na si Mama at Papa pauwi sa Laguna. Ayoko man silang paalisin pero kailangan na nilang balikan ang mga kapatid ko dahil mas kailangan sila ni Frederick at Fatima. Alam kong mas kailangan sila ng mga nakababatang kapatid ko.
“Freia, may sasabihin ako sayo.” Bungad sa akin ni Ivy habang naglilinis kami ng condo ko.
“Sure, ano ba ‘yon? May chika ka na naman, Ivy ah.” Panloloko ko sa kanya habang bahagyang tumatawa.
“Ikaw talaga. Tumawag sa akin kanina si Travis habang naliligo ka. Sabi bigla ka na lang daw umalis. Naiwan mo yung bag mo sa opisina kaya idadaan niya dito.” Sagot naman niya sa akin habang nagwawalis ng sahig.
Napataas tuloy ang kilay ko. Bakit naman itatawag pa niya ‘yon kay Ivy? Sana diniretso na lang niya sa akin ang sasabihin niya. Minsan talaga para siyang bata. Agad ko namang naalala ang mga damit niyang nilabhan ko pa kanina. Talagang sinigurado ni Ivy na amoy fabric conditioner bago namin ibalik. Ang babaeng ‘to talaga may pagka-praning din minsan. Kulang na lang labhan niya ng isa pang ulit bago namin ibalik eh.
“Ano kasi…kanina nagmamadali akong umuwi. Paalis na sila Mama diba? Gusto ko silang makasama.” Isang bagay na ikinaluwag ng pakiramdam ko ay ang hindi halatang pagsisinungaling ko.
Kayang-kaya ko kasing sabihin ng diretso ang mga bagay kahit na minsan hindi totoo.
“Ah, ganon ba. Ihanda mo na nga yung mga ibabalik mong damit sa kanya para pagdating niya dito okay na tayo.” Saad niya bago tapusin ang pagwawalis at tumungo kung saan namin nilapag ang mga damit ni Travis na nakabalot ng paperbag.
BINABASA MO ANG
Mr. Devil Is My Boss [COMPLETED]
General FictionDemonyong nagkatawang tao. May sungay, may buntot at tinidor na panusok. Ganyan ipaliwanag ni Freia Gonzales si Travis Reyes. Pagpasok pa lang niya bilang sekretarya nito, gusto na niyang mag-resign dahil sa ugali nito. Utos dito, utos doon. Magpapa...