Chapter Thirty-Seven

42.3K 704 13
                                    

Author's Note:

Advance Happy New Year this coming January 1! Regalo ko sa inyo 'tong lahat. Mas maaga mas masaya. Sana mag-enjoy kayo and I hope we understand both sides. Play the song while reading para mas masakit. (Biro lang, pero bagay talaga. I played this while writing.)

~~

"Pain demands to be felt." – John Green "The Fault in our Stars

Lumong-lumo kong nilapag ang baso na may kape sa lamesa ni Travis. Tahimik lang kaming dalawa at hindi nagkikibuan. Para saan pa? Ano pa ba ang dapat mong sabihin sa isang taong durog na?

"Here's your cup of coffee, Sir." Tanging 'yon lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko pagkaharap ko sa kanya.

He just nodded and kept staring at the resignation letter he is holding. Napapikit na lang ako ako bago tumungo sa lamesa ko para kunin ang bag ko. Sabi naman ni Travis ipapadala niya na lang sa condo ko ang mga natitira kong gamit sa office niya.

Mamimiss ko talaga dito. Kahit na noong una parang hindi ko gusto at pakiramdam ko hindi ako tatagal bilang sekretarya niya nagawa ko. Akala ko siya na ang pinakamasamang boss na nakilala ko, pero it turned out na siya pala ang pinaka mapagmahal at pinakamaasikaso sa lahat. Lumingon akong huling beses sa pwesto niyapero hindi niya ako tinitingnan.

Hindi ko alam kung anong mas masakit, yung iniwan ko siya sa oras na pinakakailangan niya ako o ang hindi niya paghabol sa akin bago man lang ako umalis ng kompanya.

~~

Travis's P.O.V

Gusto ko naman talaga siyang habulin. Kung kinakailangan na lumuhod pa ako sa harap niya para lang hindi siya umalis ginawa ko na. Pero hindi ko kaya, kasi kahit paghinga nahihirapan akong gawin.

Pakonti-konti ako kung uminom ng kapeng gawa niya dahil ayokong ubusin. Wala na kasing gagawa para sa akin nito ulit kung hindi ako na lang. Wala nang magtitimpla ng pinakamasarap na kape para sa akin kasi iniwan na niya ako.

Akala ko pinakamasakit na ang ginawa ni Christine sa akin dati nang iniwan niya ako dahil meron siyang iba. Akala ko yun na ang pinakamalalang mangyayari sa taong ito sa buhay ko pero nagkamali ako. Sinabi pa lang ni Freia na magreresign siya sa kompanya ko at aaw na niya akong makasama, kahit na hindi ko pa alam ang dahilan para na akong pinatay. Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong sabihin dahil wala naman akong nakikitang rason kung bakit siya magagalit sa akin.

Nagsawa?

Bakit?

Ano bang ginawa ko sa Laguna na hindi niya nagustuhan? Meron ba akong luto na hindi niya gusto ang lasa? Hindi ko maintindihan. Puro na lang tanong ang nasa isip ko kasi iyon lang naman ang pwede kong gawin habang nakaupo ako dito mag-isa sa opisina ko. Habang nakatitig ako sa lamesa niya at wala siya, iniisip ko lahat ng dapat kong sinabi sa kanya na baka sakaling pumigil sa balak niya. Ang sabi ko sa sarili ko, wala na akong iiyakang babae dahil siya na ang pinakahuli kong mamahalin sa buong buhay ko.

Pero hindi ko namamalayan na isa-isa na palang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan, hindi ko rin mapunasan dahil sa sobrang pagod at hapo ko. Doon na lang pala magtatapos lahat ng meron kami. Limang buwan na kami. Mag-pipito pa sana pagkatapos ng araw ng pasko pero hindi na umabot. Binuksan ko ang cellphone ko at isa-isang tinitingnan ang mga litrato naming dalawa na kinuha sa magkakaibang araw. Merong habang nasa opisina kami, merong habang nasa canteen, umiinom ng kape, sa bahay namin at kaming dalawa sa ferris wheel sa perya sa Laguna. Lahat iyon hindi ko binubura kahit may kopya na ako sa laptop ko dahil gusto ko lagi ko siyang makita.

Sibukan kong i-dial ang number ni Freia hoping na sasagutin niya ako at sasabihin niyang binibiro lang niya ako.

Pero hindi niya ako sinasagot.

Mr. Devil Is My Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon