Chapter Thirteen

83.3K 1.4K 75
                                    

I don't always do the author's note in my stories. Pero, ito na yung pangako kong update for this week! I hope na magustuhan niyo. I personally enjoyed writing this chapter. Naalala ko pa na natatawa din ako habang sinusulat 'to. Bitin siya, but please don't hate me. Cliffhangers are really good!

~~

Naging tahimik ang biyahe namin papunta sa bahay ni Travis.

Hindi ko kasi alam kung anong pwede naming pagusapan bukod sa trabaho. Hindi naman kasi ako sanay na makasama siya dahil lagi nga kaming magkagalit sa isa’t isa. Nakakapanibago talaga siya.

“We’re here.” Biglang bungad ni Travis at agad na pinatay ang makina ng kotse.

Agad siyang bumaba at tinungo ang pinto ng kotse sa side ko para pagbuksan ako. Nagulat talaga ako sa ginawa niya. Tinaasan ko siya ng kilay at inikot lang niya ang mata niya sa akin.

Sa isang condo pala siya nakatira. Malaki at siguradong mahal ang bayad dito. Abot hanggang 25 floors ang gusali ng condo at mukhang konti pa lang ang nakatira dito. Nakatingala ako habang pinagmamasdan ang mga building sa paligid. Pagabi na pero mukhang pagising  pa lang ang lugar na ito. Sa Bonifacio High Street sa Taguig nakatira si Travis, at hindi na ako nagulat dahil alam kong kaya naman niyang bayaran ang mga bagay na ganito.

Kahit bilhin pa niya siguro ang buong building na ‘to.

“Isara mo yan baka pasukan ng mosquito ang bibig mo.” Sita sa akin ni Travis at napatawa sa sinabi niya.

There’s something about the way he said mosquito parang inartehan niya. At English pa talaga hindi na lang sinabing lamok.

“Ayaw mo pang sabihing lamok.”

“Mosquito kasi sosyal ang mga lamok dito.” Dugtong niya pero halatang pinigilan ang sarili na tumawa. Nakakainis. Pinipilit pa ring maging seryoso.

Ang kotse ni Travis at ipinubaya niya sa driver niya na naghihintay na sa kanya sa labas ng bulding. Kakabalik lang daw nito galing sa bakasyon kaya hindi kami nasundo. Agad kaming tumungo sa entrance ng building. Binati ito ng receptionist, halatang alam na na dito na ito nakatira at agad kaming sumakay ng elevator. Sumandal ako sa loob ng elevator at hinintay na pindutin ni Travis ang button kung saang floor siya bababa.

10th floor pa.

“Baba ka, sa kabilang elevator ka sumakay.” Seryosong sabi niya sa akin habang magkakrus ang mga kamay nito sa harap ng dibdib niya.

“Ewan ko sayo.” Iritableng sagot ko sa kanya. Ayan na naman siya sa issue niya tungkol sa elevator.

“Nakakatuwa ka talagang magalit. Para kang tinutubuan ng dalawang sungay. Surprisingly, hindi ka nanulak ngayon kagaya dati.” Sabi niya na kunwari pang nag-iisip.

“Siympre, hindi pa kita kilala noon. Aba’t malay ko bang boss pala kita diba? And please, yung sungay mo since birth nandyan na sa ulo mo.” Pang-aasar ko sa kanya, na ikinasimangot naman niya.

“Grabe ka talaga, you’ll do anything to push me away. Pero sa pagkakatanda ko, sabi mo gwapo ako. So maybe, you’re into bad boys. Yung tipong hihilahin ka sa mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Something fun, something reckless.” He said out of the blue.

Napatahimik ako.

At sa unang pagkakataon, napatigil ako ni Travis magsalita.

Sobrang tumama sa akin yung mga sinabi niya at alam ko sa sarili ko na totoo ang lahat ng ‘yon. Gagawin ko ang lahat itulak lang siya palayo sa akin dahil hindi magandang bagay para sa amin dalawa ang magsama. Pinipigilan ko ang sarili ko lumapit sa kanya dahil alam kong mali. Ngayon na kakatapos pa lang nila ni Christine at nagwakas sa isang broken engagement and relasyon nila, hindi ako pwedeng magpakita ng kahit anong motibo.

Mr. Devil Is My Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon