Chapter Forty-Four

53.7K 857 47
                                    

Author's Note:

Andito na tayo sa huling formal chapter ng kwento bago ang epilogue and hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kasi ayoko naman talaga tapusin. Pero alam kong kailangan kasi hindi naman pwedeng kwento lang nila Travs ang pagtuunan ko. I still have a lot of people I want to introduce to you and sa tingin ko, Travis and Freia's story needs to end as soon as possible.

I feel too attached to the both of them kaya parang ang hirap na habang tumatagal. In this chapter, Travis will surely be filling your hearts with so much love. Alam kong maraming nabwisit sa kanya during first chapters pero pinaglaban ko pa rin si Sir hanggang sa ngayon. Hindi lang siya puro sungit at may dahilan ang lahat.

Sobrang magmahal si Sir kaya nga minsan parang gusto ko na rin siyang agawin. Travis Reyes surely captured our hearts in his own way. Sana mag-enjoy kayo sa chapter na 'to! Comments are truly appreciated.

~~

"Gising na Freiam aba! Itong batang ito talaga. Marami ng tao sa labas." Sigaw ni Mama na nagpabalkwas sa akin sa kama.

Grabe, mas matindi pa talaga sa megaphone ang boses niya!

Bisita? Bakit kami nagkabisita? Naisip ko, baka napagpasyahan nila Lola at ang iba kong mga tito at tita ana dito sa amin magpasko. Sila lang naman ang alam kong bibisita sa amin tuwing may mga okasyon kagaya nito. Imposible namang si Travis dahl pagkauwi namin galign sa pagtitinda ng suman, nagsabi na agad siyang uuwi ng Manila.

At kahit na pupungas-pungas pa ako, pinilit ko pa rin tumayo at magtungo sa banyo para makapag-ayos. Ang bagal ng mga kilos ko at parang ang bagal ng takbo ng oras kahit alam kong pasko na sa loob ng labinlimang minuto. Binilisan ko na lang na maligo at magbihis ng isang maayos ng bistida na binili para sa akin ni Travis noon. 

Isang kulay beige na bestida ito na hanggang taas ng tuhod ko. Pinarisan ko ito ng kulay brown ko ding flats shoes. Hindi naman ako masyadong naglagay ng make-up dahil sa bahay lang naman kami madalas na nagpapasko kaya hindi na ako mag-aabalang magayos. Kinulot ko na lang ang dulo ng buhok ko para magkaroon ng konting arte. Ginamit ko rin ang kwintas na binigay sa akin ni Travis noong pangatlong monthsary namin. Pakiramdam ko kapag suot ko ang mga bigay niya nandito rin siya kasama ko.

Alam kong nasa labas na rin si Ivy kasama ang nobyo niyang si Brandon. Natutuwa akong malaman na sila pa ring dalawa at nagkaayos na raw si Travis at Brandon isang buwan an ang nakakaraan. Si Travis pa nga raw ang humingi ng tawad dahil sa pakikipagaway niya rito.

Nagtet sa akin si Travis na nakarating na raw siya ng Manila just in time to celebrate with his family. Kahit na masaya ako dahil kasama niya ang pamilya niya at buo sila, I can't help but to feel really sad dahil hindi kami magkasama ngayong pasko. Umaasa na lang ako na baka sa bagong taon dito naman sila sa amin pupunta.

Pagkatapos kong makapag-ayos, binuksan ko na ang pinto ko palabas ng kwarto. Tumambad sa akin ang hilera ng mga kandilang nakasindi at mga petals ng kulay pulang rosas sa sahig namin patungo sa isang direksyon. Napasinghap ako at napatingin sa paligid. Am I interrupting something?

Taka pa akong naglakad pero sinundan ko pa rin ang daang sinasabi ng mga bulaklak. Huminto ito sa isang lamesa na may lamang isang note na kaagad kong binasa.

Follow the trail of the roses. They will lead you to the best night of your life. - The Devil

Halong pagtataka at pagkatuwa ang naramdaman ko pagkatapos kong mabasa ang sulat na 'yon. Kahit na ayaw kong paniwalaan ang mga nagaganap, pinilit ko pa rin sumunod at huwag magbigay ng kung anong opinyon. Sinundan ko nga ang daan na sinasbi ng rosas na palabas sa bahay namin. Tanaw ko na ang mga ilaw na nakasinda at ang pinagdugtong-dugtong na lamesa para makabuo ng isang mahabang kainan. Marami ring tao sa labas kagaya nga ng sabi ni Mama pero ni isa sa kanila walang nagsasalita.

Mr. Devil Is My Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon