To make up for those times I cannot update. Mas magkalapit ang update ngayon! Enjoy.
~~
Kahit na gusto ko siyang isama, pumunta pa rin ako ng magisa.
Kahit na nagdadalawang isip ako sa pagpunta sa Starbucks malapit sa amin, tinuloy ko pa rin para isalba ang isang mahalagang bagay sa taong mahal ko. Gusto ko siyang tulungan dahil alam kong hindi titigil si Dennis at Christine hangga't hindi napapabagsak ang kompanya nila Travis. Mahalaga para sa kanya ang pamana ng tatay niya. Kung masisiraat babagsak ang RFC, kasama nitong babagsak ang tingin niya sa kakayahan at sarili niya.
Pagdating ko sa Starbucks. Agad lumibot ang tingin ko sa buong coffee shop. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Malakas pa ang buhos ng ulan sa labas na dumadagdag sa kaba ko.
Malamig.
Natatakot ako.
Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng desisyon kong pumunta rito ng magisa.
Isang boses ang narinig ko na bumulong sa kanang tenga ko. "Come with me, if you want the solution for your beloved company's sales."
Mabilis akong tumilikod at hinarap siya. Si Christine Ravanes. Hindi ko akalain na magkikita kami ulit at dito pa sa Laguna. Paano ba nila nalaman na nandito kami?
Pero agad din akong sumunod sa kanya. Lumakad kami hanggang sa marating namin ang isang table kung nasaan si Dennis na tahimik na umiinom ng mainit ng kape. Pagkakita pa lang niya sa akin, itinaas na niya ang baso niya at ngumiti sa direksyon ko. Gusto ko ng isaboy sa mukha niya ang kape na hawak niya. Wala siyang karapatan! Matapos niya akong pagbantaan noong hui kaming nagkita inaasahan pa ba niya akong matuwa sa kanya?
Tahimik akong umupo sa harap niya. Tumabi naman si Christine sa kanya na agad naman niyang hinawakan sa bewang.
Nakakasuka.
Talagang balak pa nilang ipangalandakan sa akin na masaya silang dalawa si ginagawa nilang panloloko. Hanggang ngayon hindi pa irn nawawala ang sama ng loob ko sa dalawang demonyong ito. Kung hindi lang para kay Travis at sa pamilya niya, hinding-hindi ko naman sila lalapitan ulit.
"What's with the face, Gonzales? Why are you looking so damn serious? I just wanted a simple conversation. Kaya ko nga pinili ang lugar na ito dahil alam kong hilig niyo ni Travis ang magkape." Saad niya.
"How nice of you, Dennis. Pero hindi ko naappreciate ang ginawa mo. Ano ba ang gusto mo? Sabihin mo na para makalayas na ako dito. Nasusuya ako sa inyong dalawa. Para kayong dikya na hindi malayo sa isa't isa." Inis na sagot ko. Hindi ko talagang kayang pigilan ang mga salita ko.
"Huwag ka nang magalit. Think of it this way, you are doing this to save their company from being a laughing stock by the customers and stockholders. O, diba?" Nakangising sagot niya.
"Itigil mo 'yan. Hindi ako natutuwa sa'yo." Seryosong sagot ko.
"Or what? Anong magagawa ng isang secretary sa akin? Kilala mo ba ako?" Natatawang tanong niya. "Hindi mo alam, pinagbabantaan mo ang dahilan kung bakit nalulugi ang kompanya ng nobyo mo. Dennis Lopez, the newly-promoted CEO of Lexicon Industries for the past three months kaya nawawala na kayo sa kasikatan niyo. Aminin mo na kasi, laos na laos na kayo at wala naman talagang kwentang may-ari ang boyfriend mo. It's easier to look at thngs that way. Masakit pero totoo." Pagpapatuloy pa niya.
Nagpintig ang tenga ko sa mga sinabi niya. Halos maging pula ang lahat ng nasa paningin ko. Bigla ko na lang naalala na nasa coffee shop kami ng may isang babaeng lumabas mula sa CR. Halatang-halata pa rin sa mukha ko ang inis. Ang kapal ng mukha niya! Kaya naman pala malakas ang loob nilang dalawang babuyin ang kompanya namin dahil alam nilang may ilalaban sila. Dapat noong pa naisip ko na ang bagay na 'yon. Ako pa naman ang nagpresent tungkol sa Lexicon noon.
BINABASA MO ANG
Mr. Devil Is My Boss [COMPLETED]
Ficción GeneralDemonyong nagkatawang tao. May sungay, may buntot at tinidor na panusok. Ganyan ipaliwanag ni Freia Gonzales si Travis Reyes. Pagpasok pa lang niya bilang sekretarya nito, gusto na niyang mag-resign dahil sa ugali nito. Utos dito, utos doon. Magpapa...