Author's Note:
Ito na ang utang ko sa inyo. Sana magenjoy kayo! ☺
~~
"Isang shot pa, Freia. Bottoms up!"
I drank one shot of my liqour straight up for the third time. Hindi ko akalain na hindi pala ganon kalakas ang tama ko kapag nakainom. Ang mas nakakagulat nga, tumatahimik ako kapag nakakainom.
Isang oras na mula ng dumating kami sa club at nagsimulang mag-party. Nawala na rin sa tabi ko si Travis dahil lahat ng table ng mga empleyado niya ay pinupuntahan niya para kausapin lhat ng mga inimbita niya. Ibang-ibang Travis Reyes ang nakikita ko. Hindi ko alam na mahilig palang lumabas para magparty ang lalaking ito. Sabagay, ano nga bang alam ko tungkol sa kanya sa labas ng opisina? Hindi naman pala inom si Travis pero kapag inaalok siya ay hindi siya tumatanggi. Sa bote na niya iniinom ang mga beer na inaalok sakanya pero hindi pa rin siya namumula.
Kasama ko sa table namin si Chad at si Sugar at dalawa pang babae na hindi ko naman masyadong nakikita sa opisina. Masaya silang kasama at kanina pa kami nagtatawanan. Sila lang ang sumubok ng yosi. Tumatanggi ako kahit na inaalok nila ako dahil hindi ako naninigarilyo. Bukod sa hindi ko gusto ang amoy, alam kong hindi ko titikman ang isang bagay na kinalulungan ng Papa ko. Kung hindi pa siya nagkasakit noon hindi pa siya titigil.
Hindi ako magsusunog ng baga para lang magpatanggal ng stress. Mas mabuti na lang na uminom ako ng kape. Pero alam ko na masama rin ang sobrang caffeine.
Maraming tao sa club na ito bukod sa amin. Biyernes din kasi ng gabi kaya punong-puno ang venue ngayon. Iba't ibang klase ng mga tao ang nakikita ko. Kahit mga mukhang kolehiyalang mga babae meron din. Halo-halo na ang pawis peroBwala pa rin magpapapigil sa saya na dulot ng pagsayaw nila. Isabay pa ang patuloy napaginom at paghithit ng isang stick. Patay sindi ang mga ilaw at ibat ibang klaseng kanta na rin ang napagtugtog pero laging pangsayaw. Parang walang kapaguran ang mga tao rito.
"Are you enjoying yourself?" Sigaw ni Travis.
Agad akong napalingon sa likuran ko kung nasaan si Travis na may hawak na namang isang bote ng alak. Hindi ba siya nalalasing?
I shrugged, "It's fun, but certainly not my idea of fun. I appreaciate you asking me here though." Sagot ko pabalik sa kanya na sana narinig niya.
Kinuha niya nag kamay at hinila niya ako. "Let's go somewhere else with less noise and people." Nakangiting sabi niya sa akin.
Naglakad kami papunta sa isang parte ng club na parang isang balkonahe. Nang isinara na namin ang pintong naghihiwalay sa maingay na parte ng club at kung nasaan kami, agad kaming nabaot ng katahimikan. Tahimik ang parteng ito at walang ibang tao kung hindi kaming dalawa lang. Kitang-kita ang kabuuan ng siyudad sa taas nito. Kumikinang ang mga ilaw na nanggagaling sa mga building at mga kotse sa baba na agad na nagpangiti sa akin. Humingi ako ng malalim at pinakiramdaman ang lamig na bumabalot sa akin.
Napansin ito ni Travis at agad na ibinalot sa akin ang suot niyang lether jacket. Binalot din ako ng amoy niya galing sa damit. Ang bango niya talaga. Pwede akong makatulog kahit ito lang ang ibalot ko sa akin. Nakakagaan ng pakiramdam ang amoy ng jacket niya. Tahimik lang kaming nakatingin sa mga ilaw.
Unang nagsalita si Travis at sinabing, "Gusto pa kitang makilala ng husto, Freia. Ayokong nasa loob lang ng opisina ang ugnayan natin. Gusto kong magkaroon ng magandang basehan kung ano mang meron tayo kahit sa labas ng kompanya."
"Gusto ko rin 'yon. Pero bago mangyari 'yon, gusto ko munang...makasiguro." Sagot ko sa kanya na para bang hindi sigurado sa kung anong maaring idugtong sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Devil Is My Boss [COMPLETED]
General FictionDemonyong nagkatawang tao. May sungay, may buntot at tinidor na panusok. Ganyan ipaliwanag ni Freia Gonzales si Travis Reyes. Pagpasok pa lang niya bilang sekretarya nito, gusto na niyang mag-resign dahil sa ugali nito. Utos dito, utos doon. Magpapa...