(PRESENT)
"bakit nakabusangot na naman yang mukha mo anak? at anong nangyari dyan sa noo mo? bakit namumula?" usisang tanong ni mama akin pagpasok ko palang ng kusina.
"mano po ma""magbihis ka muna at tatawagin nalang kita pag kakain na" "sige po" sagot ko at pumunta na sa kwarto.
"Bakit ba nagkita pa kami? kainis!" dabog kong reklamo habang papasok sa kwarto.
"May problema ba?" tanong ni mama sa akin habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.
"Nabato po ako ng bola sa ulo" sumbong ko. Nakita ko namang pinipigilan ni mamang wag tumawa pero mukhang hindi nya na kinaya kaya tumawa na talaga ito.
"Ma naman eh!" inis kong saway dito.
"hahaha...college ka na Eleine pero kung magsumbong kala mo elementary ka lang hahaha" hindi nalang ako sumagot at nagsimula ng kumain.
"Nagkikita pa rin ba kayo ni Aaron?" nabulunan naman ako bigla sa tanong na yun.
"Oh tubig" mabilis kong kinuha ang baso at uminom.
"Ilang bese ko bang sasabihing magdahan dahan kung kumain?! umayos ka dyan" banta ni mama kaya tumango lang ako.
"Iba talaga epekto sa'yo ng anak ni Amanda. Ano? kayo na ba?" pang asar na tanong nito sa akin kaya umakto akong nasusuka.
"Eww! maaa.. tigil na nga kakasuka tanong mo po" pagpapatigil ko dito pero tawa lang ang reply.
"Bumigay ka na kasi ng maging kumare ko ng legal si Amanda pabebe ka pa"
"mmaaa!" sigaw ko dito at hindi na talaga nagsalita pa. Mama ko naman parang sira kung makatawa. Bakit ba nila ako binubugaw kay Aaron?
BINABASA MO ANG
Desperate Love
Aktuelle LiteraturWhat if isang araw magising ka nalang na ang itinuring mong kaaway at anak ni Satanas kung iyong ituring ay mahal mo na pala? Paano kung biglang magbago ang lahat ng agam-agam sa isip mo dahil sa malakas na tambol ng puso gawa ng taong hindi mo inaa...