"Hi. Eleine!" bati sa akin ni ate Aara kaya naman binati ko rin ito at niyakap.
"Wow! ang laki ng pinagbago mo. Dalagang-dalaga ka na talaga..ay wait. Where's tita?"
"Hindi po makakapunta kasi may trabaho sa office" sagot ko.
"Ganun ba?" cute na sabi nito at inayos-ayos bigla ang buhok ko. Nahihiya naman akong ngumiti.
" Kayo na ba ni Aaron? nakita ko kasi kanina na sabay kayo pumunta dito" kinikilig na tanong nito sa akin kaya naman bigla akong namula. Bakit ba naman ganyan ang tanong mo ate?
"Alam mo bang matagal ka ng - - -" hindi na natapos ni ate ang sasabihin nya ng bumalik na si Aaron at hinila ako.
"Ate wag mo nang ituloy" inis na sitanito sa ate kaya naman napa-irap si ate sa kanya.
"Sungit. Sige Eleine enjoy ka lang" paalam ni ate at umalis na.Kami nalang ni Aaron ang nasa mesa.
"Are you okay? Namumutla ka" sabi nito sa akin kaya naman nahihiya akong tumango. "gusto mong kumain?"
"ah..sige" Tumayo na kaming dalawa at pupunta na sana sa buffet table ng magring ang phone nya.
"Go ahead. Sasagutin ko lang to" paalam nya sa akin kaya naman tumango lang ako pero hindi pa rin umaalis sa pwesto.Nagulat naman ako ng umupos si Tita Amanda sa pwesto ko.
"Tita" nakangiti kong tawag dito.
"where's Aaron hija?" tanong nito sa akin.
"May kausap lang po sa phone"
"Hindi ka pa kumakain? Let's go sasamahan nalang kita" sabi nito na ikinatango ko.
"Amanda!" bigla nalang may tumawag kay Tita at nang makita namin ito ni Tita ay mabilis silang nagbeso at nagtawanan pa.
"I thought hindi ka makakapunta Jordaine"
"Ako pa ba. May dinaanan lang kami ni Elmer...who is she?" tukoy nito sa akin.
" She's Eleine. Anak ni Ella" pakilala ni Tita
"oh! the little na laging inaasar kay Aaron. You've grown so much hija. So pretty!" puri nito sa akin kaya naman nahihiya akong ngumiti.
BINABASA MO ANG
Desperate Love
General FictionWhat if isang araw magising ka nalang na ang itinuring mong kaaway at anak ni Satanas kung iyong ituring ay mahal mo na pala? Paano kung biglang magbago ang lahat ng agam-agam sa isip mo dahil sa malakas na tambol ng puso gawa ng taong hindi mo inaa...