"Bakit ang tagal mo?" inip na tanong sa akin ni Aaron ng makita akong papalapiit dito.
"Bakit ang aga mo?" bara ko dito. Totoo din naman, ang usapan ay 5:30 eh 5 palang. Nagmamadali?
"sakay na" sabi nito at nauna ng pumasok sa kotse.
Aba't may attitude talaga!
"Ano daw ang okasyon?" tanong ko ng magsimula na syang magdrive.
"Welcome party ni Ate" Ay oo pala. Ngayon ang uwi ni Ate Aara. Isa na itong Licensed doctor at may pawelcome party sila tita Amanda.
"May dala kang damit?" tanong nito sa akin kaya tumango ako.
"ano kulay?" tanong pa nito.
"Pink" hindi na ito nagsalita at nagtsk lang.
"Marami kayong bisita?"
"mga kakilala lang nila mommy at dad"
" ahhh.. marami nga" sambit ko dito at linipat ang tingin sa kanya. Seryoso lang ito sa pagdadrive at nakakunot ang noo. Ano kayang iniisip nito? Pero kahit nakakunot hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan nito...
"Stop staring at me. May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito sa akin kaya nahihiya naman akong tumingin ulit sa daan.
BINABASA MO ANG
Desperate Love
Fiksi UmumWhat if isang araw magising ka nalang na ang itinuring mong kaaway at anak ni Satanas kung iyong ituring ay mahal mo na pala? Paano kung biglang magbago ang lahat ng agam-agam sa isip mo dahil sa malakas na tambol ng puso gawa ng taong hindi mo inaa...