'SHOWTIME!' "We are proud of you son!"

76 0 1
                                    


"Ready! We are about to start the play in 2 minutes!" 

Eto na ang umpisa ng kalbaryo ko.  


"JAKE!!!"

Anak naman ng tipaklong! Mukhang lahat ng fans ng One Voice andito! Kung minamalas ka nga naman talaga.  

Nag-umpisa na yun play at siyempre ginawa ko yung best ko kahit na pikang-pika na ako sa pambabaeng costume na suot ko.  

Mula doon sa audience ay may narinig akong malakas na sumigaw na.


"Ay nasaan si Jake? Bakit wala yata si Jake?"


"Oo nga! Please bring Jake on the stage!"


"Nagkakagulo sa audience, Tol." Sinalubong ako ni Menard sa back stage. 

"Hinahanap nila ako."

"Mukha nga. Humihingi ng crowd control si Sir Car bago ulit buksan yung kurtina." Tumabi sa amin si Luke na katatapos lang ang eksena kay Merry.

"Lumabas ka kaya dun Jake." Na nakapang-damit pang babae? Hindi pa ako nasisiraan ng bait Nard! 

"Jake halika dito." Tinawag ako ni Xav at lumapit ako sa kanya.

"We can no longer deal with your FANS." May emphasis talaga yung huli. Kasalanan ko bang nagwawala sila? 

“We have to do something quick.The play should continue.” 

Napatingin sa akin sina Xav at Sir Car. Rinig na rinig nga mula sa backstage yung sigawan ng mga fans ko.

"REFUND or LET JAKE GO OUT!"

Napahawak ako sa noo ko. Sakit ng ulo talaga ang mga babae.  Easy Jake, hindi lahat remember? Except Cassie. At nawala agad yung sakit ng ulo ko.

"I think I have the solution." 

"Ladies please calm down. We hope this solve your doubtfulness."

Ibinigay na sa akin ni Xav yung microphone. "Hi girls..."

Nagtilian bigla yung mga babae sa loob ng teatro.

'OMG!!! Si Jake!!!" 

"Boses palang talaga pamatay na." Biro sa akin ni Xav na nginisian ko lang.


I cleared my throat. "I hope you are enjoying our play. Thank you for coming girls. I'm actually acting on the play as someone. I would love to hear your guesses on our official pages. If it's right, you might get a FREE CONCERT tickets in our next gig. I hope you sit back, relax and enjoy the rest of the play."

"At may free promotion pa talaga! Ibang klase ka talaga idol Jake!"

"Tumahimik ka na nga lang diyan Xavier." Napailing na lang ako sa komento niya at binalik sa kanya yung microphone.

“Good job Jake.” Bati sa akin ni Sir Car pagbalik ko sa back stage.

"Pare ang lakas talaga ng karisma! Sigurado ako threading topic na naman ang One Voice sa twitter! Sira ulo rin talaga itong si Menard.

"Nice segue Jake pero sana you stick na lang about the play. Hindi mo na sana ginamit yung pagiging vocalist mo." 

Gusto ko sanang tirahin itong si Destiny kaso may biglang nagsalita sa likod ko.


"Ate please, hayaan mo na si Jake."


Tama ba itong naririnig ko? Amielle is saving me from her DragonLady sister? 

"Amie!"

"Thanks for saving my butt Amielle. No need to get angry with her Destiny." At bago pa magkaroon ng bagong commotion ay lumayo na ako sa magkapatid.


"Well done guys!" 

Parang nabunutan ako ng tinik sa sigaw ni Sir Car. Sa wakas tapos na ang penetensiya ko. Dali-dali kong hinubad yung dress na suot ko ng halos dalawang oras at nagpalit ng damit.

"Tol bakit naman nagpalit ka agad?" Tanong sa akin ni Menard na pumasok na sa wardrobe changing room.

"Tapos na yung play di ba? Isa pa kating-kati na ako sa suot ko."

"Sayang akala ko pa naman makakapag-selfie ako with Mary Lennox."


PAK!


"Jake talaga di ka mabiro."

"Hindi talaga! Ikaw kaya ang magsuot ng gown!" At natawa na lang ang ulol sa sinabi ko.

"Jake makakapunta ka sa after party?" 

Oo nga pala yung after party! "Hindi eh Xav. Lalabas raw kami ng parents ko."

"Nakita ko nga sila Jake. Kausap nila si Sir Car ngayon." Wika ni Luke na hinuhubad na rin ang suot niya.

Ano naman kaya ang tinatanong ng parents ko kay Sir Car? "Salamat sa heads up Luke. Una na ako mga dudes!" At lumabas na ako bago pa may ma-intriga ang mga magulang ko.


"We are proud of you son!" Arms wide open akong sinalubong ng mga magulang ko.

Pakiramdam ko tuloy, ako ang prodigal son. "Thanks Dad. I hope you like the play."

"Isa sa all time favorite book ko yun Jake. I'm so happy that you TDC get the chance to perform it on the stage."

Kaya pala pinabasa nyo rin sa akin yung libro ng bata pa ako. Ngumiti na lang ako Mom.

"Shall we go?"

"Saan tayo Dad?"

"Clawdaddy sa MOA." Ang favorite restaurant ni Dad.

"By the way Jake, inimbitahan namin sina Arild at Keister."

Napangiti ako ng malaki. Yan naman ang gusto ko. Kumpleto na naman ang One Voice, ayos! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

theater play season 3 by ramonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon