mom and daughter bonding

230 1 1
                                    

“So what happened girlfriend?”  Excited na tanong sa akin ni Zandy. May inaasahan ba itong mangyari? 

Huminga ako ng malalim bago binuka ang bibig ko.“Tinuruan niya ako mag-biyolin tapos nung nasa kalagitnaan na kami ng sailormoon theme, bigla ba naman akong iniwan.” 

Itong reaksiyon ni Zandy: 

Si Maddie: 

At si Merry: 

“Casey pasensiya ka na sa Kuya Dustin ko meron siya talaga parating PMS.” 

Napangunot-noo ako kay Merry bago nagtanong na, “Anong PMS?”  Imposible naming post-menopausal syndrome yun! 

Napangiti sa akin si Merry. “PAGKA-MASUNGIT SYNDROME.” At hindi napigilan nina Maddie at Zandy na tumawa ng malakas. 

Eksakto naman na dumating ang Physical Education Teacher namin na si Ms. Nereig. Mabilis kaming bumalik sa upuan namin apat na nakangiting nagtitiginan.

“Good morning class.” Binati ng klase si Ms. Nereig na nakatayo lang sa harap ng teacher’s table. “Nahuli ako dahil may inayos pa ang PE department para sa inyo.” 

Nagkatinginan kaming magkaklase at si Zandy hindi napigilan na magtanong. “Ano kaya yun?” 

Kibit-balikat lang ang sagot ko kay girl friend habang nakatitig kay Miss Nereig na may nilabas na POSTER sa likod niya.

“There will be ONE DAY BASKETBALL FIGHT.”  Naghiyawan yung mga kaklase kong lalaki. 

“Boys wag muna ako ma-excite dahil HINDI LANG KAYO ANG BIBIDA dito.”  Napangiti sa amin si Miss Nereig.“Naiiba itong basketball fight na ito dahil sa unang pagkakataon sa history ng AFU ay MAGLALABAN ANG LALAKI AT BABAE.” 

Hindi na napigilan ng klase na mag-ingay. “OMG! Bongga ang balita!”  Nakangising komento ni Merry.

“Sasali ka ba Merry?”  Seryosong tanong ni pinsan.

“Oo naman! Isang beses lang ito ha… Eh kayo Zandy at Casey, sasali ba kayo?” 

Napalingon sa akin si Zandy. “For sure girl friend pasok na pasok dun! Height pa lang panalo na!” 

Mabilis kong tinakpan yung bibig ni Zandy dahil baka kung ano pang masabi niya.

“Oo meron akong height pero hindi naman ako marunong mag-basketball!” 

Hindi na nakuha pa magpahayag ni Zandy dahil nagsalita muli si Miss Nereig.

“Ang maganda sa basketball fight na ito ay EVERY SECTION ay may REPRESENTATIVES, ONE GIRL and ONE BOY only.” 

Nabawasan ng excitement yung mga lalaki kong kaklase dahil sa huling sinabi ni Miss Nereig pero yung mga babae na sporty ay tuwang-tuwa pa rin.

“I will be conducting a TRY-OUT today. Let’s all go to the gymnasium.” 

“Sino sa tingin nyo ang papasok sa atin?”  Tanong ni Merry na nag-stretching pa sa gilid ng bleacher.

Nasa gymnasium na kami at kasalukuyang ang try-out ng mga lalaki. Nasa bleachers kaming mga babae, ang karamihan ay nanood sa mga kaklase namin at yung iba naman ay nagkwekwentuhan.

“Sa ginagawa mong preparation Merry, malamang ikaw na ang papasok.” 

Merry winked at Zandy and happily hugged her.   “Yan ang gusto ko sa iyo Zandy, very supportive ka! Kapag ako nga ang nakapasok, lilibre kita sa kahit anong resto na gusto mo basta low prices ha…” 

theater play season 3 by ramonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon