Sino ang BIDA?

58 0 0
                                    

“Tol bukas pa raw gig natin sa Eastwood sabi ni Maddie.” 

I nodded my head in response. Nasa parking area kami ng campus ni Arild. Kasalukuyang naglalaro ako ng Game of the Generals sa i-PAD ko at si Arild naman ay katatapos lang kausapin sa Maddie via mobile phone. Tapos na yung klase namin at mag-aalas tres pa lang ng hapon.

“Darating ba si Keister?”  Nagpaalam kasi ang mokong na may dadaanan raw sandali sa library. Kelan pa naging paaral yun?  Baka popormahan lang nun yung bagong assistant librarian. 

“Hindi naman nagtext Jake. Bakit? Aalis na ba tayo?”  

Sasagot na sana ako sa tanong ni Arild ng biglang tumunog ang Samsung Galaxy S3 ko. 

Yeah, I, I know it's hard to remember…The people we used to be... It's even harder to picture…that you're not here next to me. 

“Xav napatawag ka…” 

Napalingon ako kay Arild na ginalaw na ang i-PAD ko. “Nasaan ka Jake?” 

“Parking area, bakit?” 

“Nagpatawag si Sir Car ng meeting dito sa TDC Theater. Attendance is a must parekoy.” 

Napahawak ako sa buhok ko bago napabuntung-hininga. “Sige Xav punta na ako.” 

“Tol astig pala itong nilalaro mo.” Napatitig sa akin si Arild. “Sumama yata ang timpla mo sa pagtawag ni Xav. Anong sabi?” 

Kinuha ko yung i-PAD at nilagay sa backseat. “Di tuloy ang boy’s night out. May meeting sa TDC, sabihan mo na lang si Keister.” 

Tumayo na si Arild at sabay kaming lumabas ng kotse ko. Dumiretso siya sa kotse niya at ako naman naglakad papunta sa AFU building.

Nasa hallway ako ng first floor ng may narinig akong pamilyar na boses. Nagtago agad ako sa locker area. This is not my style but when it comes to HER, things suddenly change immediately. 


“Sige una na ako…” 


“Best sorry ha, bawi na lang ako bukas.”


Napangiti ako at hindi ko napigilan ang sarili ko na sumilip. Sakto naman na nakita ko ang MUKHA niya.  


“No problem Zandy. Sabi mo yan ha… Ingat. See you tomorrow!” 

She waved her hand at Zandy before walking away from me.  I still disliked Dess for not letting Casey in TDC.  Kung pinayagan sana niyang maging parte si Casey, di sana ako tatamarin lalo na umattend ng meeting. 

Ng bahagya ng nakalayo na si Casey ay inunahan ko na si Zandy papuntang TDC. Sina Xav at ang grupo pa lang ni Dess ang nasa loob teatro.

“Jake akala ko di ka pupunta.” Bungad sa akin ni Xav matapos kong makipag-apir.

Napangisi ako sa kanya. “Dude kilala mo na ako.”  Sinuklian niya ang ngisi ko.  “Hindi nga sana kung hindi ka lang malakas sa akin.” 

“May BROMANCE bang nangyayari?” 

“G&go ka talaga Menard! Anong bromance pinagsasabi mo diyan?”

Napailing na lang si Menard sa akin na nakangiti pa rin.   Loko talaga ito, gusto pa kaming simulan ng issue ni Xav. 

“Congratulations nga pala Jake, kalat sa campus na nakapasok ka na sa regionals.” 

theater play season 3 by ramonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon