THE VIOLINIST AND HIS STUDENT

209 1 0
                                    

Hi po!  Alam kong shocked pa tayo sa ‘PAGKAMATAY’ ni Chynna kaya naman balik muna tayo sa buhay nina Casey na namiss talaga natin sobra. Hope you liked the next update kahit na sobrang natagalan. Thank you in advance! 

“Kitang-kita ko yung sarili ko Zandy. May LALAKING BUHAT-BUHAT ako tapos parang naglalakad siya sa napakainit na lugar...”     

Napangalumbaba si Zandy na nakatitig sa akin. “Tapos anong nangyari girlfriend?” 

Pinikit ko yung mga mata ko at inalala yung panaginip ko kaninang umaga na nagpagising sa akin.

“Hindi ko NAKITA yung MUKHA niya Zandy.” 

“Sayang kasi…”  Disappointed na wika ni Zandy na napaayos na ng upo. “Si PRINCE CHARMING na yun!” 

“Baka si KUYA JAKE yun!”   

Sabay kaming napalingon ni best friend sa likuran ko kung saan nanggaling yung boses.

“Nakakagulat naman kayo Merry at Maddie, bigla-bigla kayong sumusulpot.” 

Ngumiti si Merry sa akin bago tumabi kay Zandy at si Maddie naman ay tumango sa akin na umupo sa kaliwa ko.

“Okay na yung entrance namin, mas matindi pa sa red carpet!”  Napangisi si Merry sa amin. “Anong prince charming yung pinag-uusapan nyo? Wag mong sabihin na si KUYA JAKE ang prince charming mo Casey.” 

Mabilis akong napailing sa kanya. Si Jake ang prince charming ko? Pwede ba! HE’S EVEN NOT NEARLY TO MY PRINCE’S STANDARDS!  ‘Magkaibigan’ na nga kami ngayon pero hindi naman ibig sabihin nun na magugustuhan ko na siya. Tandaan niya na pumayag lang ako dun dahil kay Kuya C-rick! 

“I had a dream and Zandy immediately assumed that the guy in my dream was my prince charming.” 

“Nakita mo ba yung mukha niya?”   

Isang malalim na bunting-hininga ang pinakawalan ko, sagot sa tanong ni Maddie.

“Kung hindi mo nakita, may posibilidad na si Kuya Jake yun.”  Sundot ni Merry na kumakain na ng oatmeal cookie.

Bakit ba pinagpipilitan nila na si Jake yun? Ang dami-dami kayang pwedeng maging prince charming ko maliban sa vocalist na yun! 

“Let’s not easily jump into conclusions.”  Napangiti ako sa sinabi ni Zandy. Mahal mo talaga ako girlfriend!  “Baka naman hindi ko si Kuya Jake yun, malay natin somewhere out there eh biglang magpakita ang tunay na prince charming ni Casey.” 

At napatingin kaming apat sa may canteen, eksakto naman na may tumayong lalaki. Nagtawanan kaming apat dahil ang prince charming ko yata ay si DUMBO , ang biggest guy sa university!   

“Cousin di ka pa uuwi?”  Iling lang yung sagot ko kay Maddie habang nagmamadaling sinukbit yung shoulder bag ko.

“Saan ang punta mo girlfriend?”  Pahabol pa na tanong ni Zany ng nasa pintuan na ako ng classroom namin, palabas na.

“May VIOLIN LESSON ako para sa IVC.” 

Tumakbo na ako sa corridor kahit na bawal dahil malapit na ako ma-late at sigurado ako na hindi magugustuhan yun ng instructor ko.

*Sorry talaga Casey.  Yun ang paulit-ulit na text sa akin ni Vida. Siya kasi ang partner ko sa violin lesson namin.

theater play season 3 by ramonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon