continuation . . . . .

451 2 1
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng malaman ni Chynna na hindi siya tunay na apo ng tinuturing niyang lolo at lola. Sa buong linggong yun, hindi ko man lang siya nakamusta dahil nagkapatung-patong ang problema ko.

Ang unang naging problema ko ay Hindi na ako MAMBABALOT.  Nalugi kasi yung amo ko dahil may ilang taong nagsampa ng kaso dahil nakakain sila na bulok na balot. Pampalubag-loob: Hindi ako nakapagbenta ng bulok na balot kaya MALINIS ang konsensiya ko.  Resulta: Nawalan ako ng isang sideline. 

Pangalawang problema ko ay NABAON SA UTANG ANG LASENGGO/BATUGAN KONG TATAY. Dahil sa walang sawa niyang kalilibre na hinihingi niya sa nagkakandakuba si Nay ay hindi na siya pinayagan pang magpalista sa kahit anong tindahan sa Tondo. Pampalubag-loob: WALA.  Resulta: Ako ang naging tagapagbayad ng utang niya. 

At ang pangatlo, ang pinakamatindi sa lahat MAY COLON CANCER SI NAY.  Hindi ko inasahan yun. Pampalubag-loob: Stage One palang daw yung kanser at maagapan pa kung may sapat kaming pera. Resulta: Doble kayod ako sa talyer at ako na ang umako sa responsibilidad ni Nay. 

“Wes hindi pa katapusan ng mundo.” Inabot sa akin ni Mang Oca yung envelope, sweldo ngayon. “Pagsubok lang yan bata, kakayanin mo yan.” 

Napatango ako kay Mang Oca at nagpasalamat bago naglakad papunta sa banyo para magpalit ng damit.

“1,200 okay na ito.” Napabuntung-hininga muna ako matapos makita ang sweldo ko. Malaki na ito kumpara sa 800 ko nung isang buwan.

Isinuot ko na yung back pack na pinaglumaan ni Rodney at eksakto naman na paglabas ko ng banyo ay may nabangga ako.

“Pasensiya na.” 

Nakasumbrero yung nabangga ko  at nagulat ako ng makita ko kung sino.   

“Uugatin na yata ako kakahintay sa iyo.”

“Chynna! Anong ginagawa mo dito?” 

Napangiti siya sa akin bago hinila yung kanang kamay ko na nasa bulsa ko. “Naamoy ko na nakasweldo ka na at isa lang ibig sabihin nun, ililibre mo ako ng isaw!” 

Masaya ako ng makita siya at ayoko sanang alisin yung ngiti sa mukha niya pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

“Chynna sorry hindi kita maililibre ng isaw ngayon.” 

Knowing Chynna, she still smiles despite ‘rejection’. Isa sa ugaling gustung-gusto ko sa kanya. 

“Sige next time na lang Wes pero doble na ha!” Napangiti ako sa kanya. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. “Kaso kailangan mo talaga sa akin sumama Wes.”    

Napangunot-noo ako sa kanya. “Saan ba tayo pupunta?” 

“Secret!”  Wika ni Chynna bago ako kinindatan. 

Malungkot akong napatitig sa kanya. 

“Gusto sana kitang makasama ngayon Chynna pero kailangang ko ng dumiretso ng uwi. Pasensiya ka na, babawi na lang ako sa susunod.” 

She pouted her lips. “Wes alam ko kung anong nangyari sa iyo nung huling linggo.”  Hindi na ako nabigla dun lalo pa’t kapitbahay nila Chynna si Aling Caca, ang nangungunang tsismosa raw dito sa Tondo. “Nalulungkot ako sa pagkawala mo ng isang part-time at sa pagbabayad mo sa di mo naman utang.  Naiintindihan ko kung bakit gusto mo ng umuwi pero Wes itong pupuntahan natin, mas malaki yung kikitain mo na makakatulong kay Aling Salome.”     

theater play season 3 by ramonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon