'Whispers at my BACK!' "Anong sikreto?

223 1 3
                                    

Mabilis akong umiwas ng tingin.  

Lumayo agad sa akin si Dustin ng makita niyang papalapit sa pwesto namin sina Kuya Keister. Pakiramdam ko may ‘silent war’ si Dustin at ang One Voice. [/b] 

Pumuwesto si Dustin sa side na malapit kay Merry. Bakas sa mukha niya yung inis. Ano bang bago dun? 

“Cousin, I’m sorry.” Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Keister na sinabayan pa niya ng yakap. 

“Sorry?” 

“We were not able to watch the game.” Kaya naman pala… Sayang… “But we heard the news.” 

Napangiti ako kay Kuya Keister na bahagya ng lumayo sa akin.“It’s okay Kuya.” 

“Hindi okay yun Casey, kung andito lang kami ni Pareng Keister at ni Pareng Jake-“ Napalingon si Kuya Arild sa kaninang tinitignan ko.

“Asan na si Pareng Jake?” 

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na mapatingin sa gawi kung saan nag-aayos ng sintas si Jake. Wala na siya dun. 

“Oo nga.” Napakamot ng ulo si Kuya Keister, “He said his going to CONGRATULATE you Casey.” 

Bago pa mag-react ang brain cells ko ay siniko na ako ni Zandy na parang kinikilig.  Napakunot-noo ako sa kanya at nag-thumbs up naman siya sa akin.

“Baka nag-comfort room lang…

“O baka may FANS na nakita at nagtatakbo na para hindi magpa-autograph.” 

Marahang pinalo ni Kuya Keister si Kuya Arild sa braso. “Loko ka talaga Rild! Di gagawin yun ni Jake.” 

Eh nasaan na nga kaya talaga siya pumunta?  Uy si Casey, WORRIED KAY JAKE!    Ako worried? Hindi ah!  Naku Casey deny ka pa diyan, if we know lang…

“Congratulations Casey.” Sabay na bati sa akin nina Kuya Keister.

Dalawang kamay ko naman tinanggap yung nilahad nila.“Thank you.” Nakangiti kong wika sa kanila. 

Nasaan na nga kaya si Jake? 

I’m tired, exhausted but happy.  The game worn out all of my energy but I’m fine. The game ended four hours ago but I just got home. Nagkaroon kasi ng after party ang team, natalo man kami feeling winner naman sa NO BOYS ALLOWED PARTY! 

Alas-siyete na ako ng gabi nakauwi sa bahay. As expected my parents are in. Nakita ko kasi ang kotse nina Mom at Dad sa garahe.  Dad drives Mom’s old car and in return, he bought a new one for Mom and even hired a driver. Ang sweet talaga ni Dad! 

I go to my room, put my bag on the top of my bed and hurriedly walk to my small bathroom. After I took a bath, I changed to pajamas. Feel ko pa rin nakapajama kahit na 16 years old na ako.

I should rest but I didn’t do it. Gusto ko kasing ibalita sa mga magulang ko yung nangyari. Nakakalungkot na hindi sila nakapanood dahil sa busy meetings nila.   Si Dad ay pinatawag ng MCA Music samantalang si Mom naman ay mahalagang nilakad sa Makati.

I went out of my room and silently walk going to my parent’s room. Malapit lang naman yun sa akin kaso may isa pang kwarto nakapagitna. GUEST ROOM yung tawag nila Mom pero ni minsan ay wala naman silang pinayagan matulog dun. 

theater play season 3 by ramonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon