TAKIPSILIM...PAALAM

251 1 1
                                    

Hi po! This update will surely shock you.  May ISANG MAMAALAM, sino kaya siya? 

Please play the song: TAKIPSILIM when you see it.  It was originally sung by Callalily pero wala akong nakitang video kaya yung cover na lang ng 6 cyclemind. Thank you in advance. Hope you like this very sure sad chapter. 

“Wes!” 

Napahinto ako sa akmang pagpasok ko sa ilalim ng kotse at hinanap yung tumawag sa pangalan ko.

Ilang high school students ang kumaway sa akin bago lumapit. 

“Wes pasensiya ka na sa abala pero pahingi naman kami ng AUTOGRAPH.” 

Inabutan ako ng babae ng isang bolpen at note book at kahit na hindi ko gusto tanggapin dahil sa napakadumi kong kalagayan ay pinilit pa rin nung babae na kunin ko. Puno kasi ng langis at dumi yung dalawang palad ko.

“Ayos lang ba kahit madumihan ko na yung notebook?”

Napatangong napangiti sa akin yung babae at kinikilig naman na nagtutulakan yung tatlong babae na nasa likuran niya.

Pinirmahan ko yung notebook at pagkatapos ay nagpasalamat sa kanila. Nag-aasaran naman sila papaalis sa harap ko. Hindi ko tuluyan napigilan na mapailing.

“Bata, iba na talaga ang KASIKATAN mo.” 

Napatingin ako sa taong nakatayo malapit sa pwesto ko.“Natutuwa lang ho siguro sila sa nagawa ko.” 

Successful ang WEST SIDE STORY.  Marami ang nanonood at humanga sa talent KO. Hindi ko nga inakala yun.  Mas lalong hindi ko inasahan na KILALANIN ako ng mga ka-barangay namin.  Ipinalabas kasi sa wide screen sa bagong gawang gymnasium yung play at kinabukasan ay puros bati yung binigay at autograph na yung hiningi ng mga tao. Instant Stardom daw yung nakuha namin ni Chynna. 

Di na nga mabilang yung humingi ng pirma at pa-piktyur sa akin. Sa totoo lang, hindi ko gusto iyon. Kung kasikatan man yung natatamasa ko ay ipapabigay ko na lang. Nais ko na lang maging si SIMPLENG TAGA-BUHAT NG TUBIG at MEKANIKONG si WES. 

“Ayos lang ang magkaroon ng manghahanga bata basta hindi lalaki ang ulo mo.” 

Napatango ako kay Mang Oca at pinunas ko yung kamay ko sa pantalon ko bago lumabas ng tuluyan sa ilalim ng kotse.

“Gawa na ho itong owner ni Mang Peping.” 

May dinukot si Mang Oca sa bulsa niya at inabot sa akin. “Ano ho ito?” 

“Maligo ka na bata at pagkatapos ay bumili ka na ng gamit para sa aayusin mong service ni Mayor.” 

Napangiti ako kay Mang Oca, hindi ko inakala na ibibigay niya sa akin yung pagkakataon na mag-ayos ng sasakyan ni Mayor.“Salamat Mang Oca...” 

Napatango siya sa akin bago naglakad papaalis sa harap ko para pumasok sa kanyang opisina. Binulsa ko yung pera at dumiretso na ako sa maliit na banyo para maligo at magpalit.

“Mang Ginong, pabili naman ho ng nakalista.” Nasa bilihan na ako ng parts ng kotse. Excited na akong kalikutin yung isa sa service ni Mayor.  

Inabot ko kay Mang Ginong yung papel na hawak-hawak ko. Habang nag-aantay ay napatingin ako sa ilang batang naglalaro sa tabi ng automotive parts store.

“Crush mo ko?”  Tanong ng batang babae sa kasama niyang gusgusing bata. 

“Oo nga…”  

theater play season 3 by ramonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon