Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards

306K 8.6K 1.3K
                                    

"So what's up?" untag sa akin ni Dereen. Natanggal ang tingin ko sa view mula dito sa hotel at napatingin sa mga kaibigan ko. Umayos naman ako ng upo nang maalalang andito nga pala ako para makausap sila. 

"Ah, you're saying?" pagtatanong ko kung ano na nga ba ang huling topic namin. Aish, lumilipad na naman ang utak ko kakaisip doon sa golden object na iyon. Kaya naman sinet aside ko muna iyon at baka magtampo pa ang mga ito. 

"I am saying, kailan ka pa papasok? Hinahanap ka ng mga teachers at nauubos na ang mga palusot namin." iritableng tugon ni Fiacre. Kahit kailan talaga napakaiksi ng pasensya ng babaeng ito. 

"Baka next Monday pa. There are two more tests left so please bare with those professors for me until I come back." tumingin akong muli sa kanila at kita ang dismaya sa mga mukha nila. Miyerkules pa lang kasi ngayon. Bali dalawang araw pa ang kailangan nilang i-cover para sa akin. Sorry my friends.

Nang mapansin kong parang ayaw nilang pumayag, mas pinagmukha kong nakakaawa ang ekspresyon ko para mas effective. Ilang sandali lang ay sumuko na rin sila at tinaas pa ang dalawa nilang kamay. Sabi ko na nga ba eh. Wala silang palag sa akin. 

"Eh ang mga heads? Did they believe the excuses you've made?" pagbubukas ko ng bagong pag-uusapan. Ten heads are not that dumb to believe that I skipped classes because of diarrhea. They knew that I have ESCAPE in my body and so any virus will be very much uneffective on me. 

"As expected, they didn't buy it." nakapangalumbabang sabi ni Rennei and she sipped her strawberry shake. 

"Then  what did you do?" 

"We told them that you are currently on abroad with your brother. And yeah, naniwala naman sila." sagot ni Dereen. Mabuti naman at naniwala sila. Ayoko namang maghinala sila sa mga kinikilos ko. 

"Girls, can you do me a favor?" ani ko nang maalala ko ang bagay na natagpuan ko kanina. Sa husay ng mga sources ng mga ito, may tiwala akong may malalaman silang kapaki-pakinabang sa gamit na ito. Tumango naman sila bilang sagot kaya nilabas ko ang gintong bagay na ito na nakabalot pa rin sa puting panyo. 

Ipinatong ko sa table at inislide papunta sa side nila para mas makita pa nilang mabuti. They didn't bother to ask me at binuksan na lang nila kaagad ang laman nito. Naunang madampot ito ni Rennei kaya napatahimik ang dalawa.

"I want to know the real use of that thing. May mga nakita rin akong mga letra na nakaukit diyan kaya lang hindi ko na masyadong makita." paglalahad ko habang tinititigan si Rennei na sinusuri ang bawat anggulo ng bagay na ibinigay ko.

At katulad nga ng sinabi ko sa inyo, she is a woman with a few words kaya nagthumbs up lang siya sa akin bilang sagot niya. Bumalik naman ang tingin nila sa akin. 

"What?" they are looking at me meticulously.

"You don't look well. Are you sick?" dito ay nagsilabasan na ang pag-alala sa mga mukha nila kaya medyo naalarma ako. Kinapa kapa ko ng kaunti ang mukha ko. Namumutla ba talaga ako? 

"Siguro sa pagod lang ito. Don't worry aalis na rin ako para makapagpahinga. Tsaka malayo layo pa ang biyahe ko sabayan pa ng heavy traffic ngayong gabi na." nakumbinsi ko naman sila sa sinabi ko. Hindi na rin kami nagtagal at umalis na rin kami sa table namin. Hinatid pa nga nila ako sa labas ng hotel kung saan naghihintay ang driver ko. Bago pa ako umalis ay pinaalalahanan pa nila ako na huwag ko masyadong pagurin ang sarili ko sa mga matters ng mafia. Nagpromise naman ako sa kanila na susundin ko ang mga bilin nila and so they set me off.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon